Sunday , December 22 2024

$81-M inaasahan ng Bangladesh gov’t na maibabalik pa

UMAASA pa rin ang gobyerno ng Bangladesh na maibabalik sa kanila ang $81 milyon na ninakaw na pondong nakadeposito sa Federal Reserve sa New York na napunta sa Filipinas at isinailalim sa money laundering.

Ito ay nang magkaroon na ng development sa imbestigasyon ng Senado at tiniyak ng casino junket operator na si Kim Wong na isasauli niya ang $4.63 milyon, ang natitirang pera na ninakaw mula sa Bangladesh.

Ayon kay Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes, natutuwa sila sa usad ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil marami silang nalalaman na impormasyon kaugnay ng ninakaw na salapi.

“We are pleased with what the Senate is doing. It’s very transparent as far as I’m concern because it’s informative to hear in the hearings, also the special executive hearing. So are actually very optimistic with the way the haring is going on and it is very transparent. So, I think it is going to the right direction,” ani Gomes.

Positibo ang pamahalaan ng Bangladesh na sa kalaunan ay maibalik ang kanilang pera.

“We cannot say at this point of time as there are also senators saying that stolen gradually,… well we are very hopeful that we should get back our money. That is our expectation,” wika pa ng opisyal.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Bangladesh government sa Estados Unidos at Filipinas para sa pagtunton ng pera at mga salarin.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *