Friday , November 15 2024

Ex-army utas sa ambush sa Negros Occ (Mister ng kandidatong konsehal)

BACOLOD CITY – Patay ang isang retiradong sundalo na asawa ng kumakandidatong konsehal, makaraan barilin ng armadong grupo sa Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Armando Castillo Secuya, 61, residente sa Brgy. Guinpana-an, Moises Padilla.

Batay sa impormasyong hawak ni Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) director, Senior Supt. William Señoron, nangyari ang insidente sa terminal ng sasakyan sa nasabing lugar pasado 3 p.m. kamakalawa.

Sinasabing hindi bababa sa anim katao ang humarang sa biktima at agad siyang pinaulanan ng bala ng kalibre .45 bago tumakas ang mga suspek patungong Sitio Loblob at Crossing Maldo sa parehong barangay.

Agad binawian ng buhay si Secuya dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Malakas ang paniniwala ng pulisya na planado ang pagpatay dahil marami ang nagsagawa nito.

Iniimbestigahan ang posibleng motibo sa krimen upang mabatid kung may kaugnayan ito sa nalalapit na halalan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *