Monday , December 23 2024

Chiz muling umarangkada — Youth Leader (Ginasta 1% kompara sa ibang kandidato)

KAHIT na kakapiranggot lang ang ipinanggasta kompara sa vice presidentiable na pinakamataas ang ibinayad para sa political ad, muling umungos ang independent vice presidential frontrunner na si Sen. Chiz Escudero sa pinakabagong survey dahil sa malapit niyang koneksiyon sa kabataan at sa karaniwang tao.

Ito ang mariing pahayag ni Youth for Chiz organizer at dating student leader na si Jules Guiang.

Aniya, hindi nila ikinagulat ang pangunguna ni Escudero sa mga survey kahit halos walang media ads dahil nakita niya umano kung paano dumugin ng kabataan na parang isang “rock star” ang senador sa kanyang sorties at maging sa reaksiyon ng mga botante – bata man o may edad – na nakakaulayaw ng Bicolanong senador sa kampanya.

“Karaniwang tao man o estudyanteng kabataan, parang ‘wild’ kapag nakikita si Sen. Chiz. Batid naman natin na marami ang umiidolo sa kanya at bumibilib dahil sa talino at galing niya – mapaisyu man ‘yan o pagpapaliwanag ng mga komplikadong usapin. Parang nakikita ng tao sa kanya ang kanilang mga sarili,” ayon kay Guiang, dating Vice Chairman ng University of the Philippines – University Student Council.

Ayon sa isang report ng PCIJ, pinakamaliit ang ginasta ni Escudero sa lahat ng senador na tumatakbong vice president. Batay sa monitoring report ng Nielsen Media, noong nakaraang January 31, nasa P2.7 milyon piso ang nagagasta ni Escudero para sa advertisement at ito ay nasa .6% lamang ng 419 milyong piso na naipapaluwal na ni Sen. Alan Peter Cayetano na top pol ad spender.

Hindi ito kukulangin sa 1% ng P273 milyon na naipambabayad na ni LP bet Leni Robredo at P252 milyon na ibinayad ni Sen. Bongbong Marcos para sa kanyang mga patalastas sa media.

Si Sen. Gringo Honasan naman ay halos P30 milyon na ang naibayad para sa kanyang pol ads, samantala si Sen. Trillanes ay aabot sa P9 milyon.

Sa harap ng kakapiranggot na kahambing na iginasta ng kanyang mga katunggali sa mga patalastas, lumayo si Escudeo sa kanyang mga karibal sa pinakahuling vice presidential survey.

Sa survey ng Laylo na isinagawa mula Pebrero 29 hanggang Marso 1, nanguna si Escudero na may 30%, pangalawa si Marcos sa kanyang 24%, si Robredo ang pumangatlo sa 20%, pang-apat si Cayetano (11%), si Trillanes ang panglima sa kanyang 7% at ang 4% ni Honasan, nasa pang-anim na puwesto.

Hindi rin umano ikinagulat ni Guiang na si Escudero ay nangunguna sa “economic class D at E” dahil sa lahat ng kandidatong vice president “napakalinaw ang kanyang platapormang maka-mahirap.”

Sa bahagi ng D & E class, lumamang nang husto si Escudero dahil sa nakuhang suporta na umabot sa 30% sa parehong kategorya, ayon sa Laylo.

“Kapag masa na ang apektado sa mga isyu, laging kampi sa kanila si Sen. Chiz. Mula sa pagpapababa ng income tax hanggang sa kampanya para baliktarin ang veto ni PNoy sa panukalang P2,000 SSS pension hike, at maging ang posisyon niya pabor sa onsite resettlement ng informal settlers at laban sa kontraktwalisasyon,” paliwanag ni Guiang.

“Tuwing nakikita nila si Sen. Chiz, nakikita nila ang kanyang Galing at Puso, isang matalino at mapagmalasakit na pinuno na nakauunawa sa kanilang pinaghuhugutan, kumakatawan para sa kanila at alam kung paano gagamitin ang pamahalaan para tugunan ang kanilang mga pangangailangan.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *