Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chiz, naniniwalang may forever dahil kay Heart

ANG lalim ng hugot ni Sen. Chiz Escudero nang tanungin ng mga student sa San Fernando City, La Union tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa kanyang campaign sortie, ay nagkaroon si Chiz ng public consultation with some students at barangay officials at talaga namang aliw na aliw siya sa mga tanong ng mga bata tungkol sa kanyang love life.

Nang tanungin nga siya ng famous question na ”naniniwala ka ba sa forever?” ay naging honest naman ang senador sa kanyang answer.

“Noong una hindi,” ika ng senador. ”Pero noong nakilala ko si Heart, naniwala na ako sa forever,” kaagad namang bawi ni Sen. Chiz.

Maaalalang una nang ikinasal ang senador at matapos ma-annul sa simbahan noong 2014, ay ikinasal sa actress at painter na si Heart Evangelista.

Nagbigay pa ito ng advice sa mga kabataan at sinabing ang “forever” ay hindi madali at kailangang pagtrabahuhan, alagaan at pagsumikapan.

“Ang forever, dapat ipaglaban, hawakan at huwag bitiwan. Dahil hindi ganoon kadali ‘yon. Pipiglas ‘yon, papalag at susubukan kumawala. Dapat naroon ka, sigurado ka sa sarili mo at kailanman huwag kang bibitiw,”say pa ng senador.

One year na nga mula nang ikasal si Sen. Chiz kay Heart, at alam naman ng marami na hindi naging madali ang love story ng dalawa .Last year nga lang din nagkaayos ang senador at mga magulang ni Heart, at ngayon ay talaga namang all-out ang support ng mga ito sa kandidatura ni Chiz for vice-president.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …