Monday , December 23 2024

Netizens desmayado kay Poe

PATULOY na umaani ng batikos si Senador Grace Poe mula nang sabihin na bukas siya na ilibing ang diktador at promotor ng Martial Law na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon sa Amnesty International, 70,000 kaso ng pang-aabuso sa karapatang pantao ang dokumentado sa ilalim ng Martial Law, na mga sundalo at Metrocom ang naging instrumento ng yumaong diktador.

Halos 30,000 kaso ng torture ang nailathala umano laban sa mga sinasabing kalaban ng estado noon.

Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadesmaya sa posisyon ni Poe, na tumatakbong pangulo.

“Balewala ang prinsipyo makakuha lang ng boto,” sulat ni Erik Gatmaitan sa Facebook.

Sumang-ayon naman ang isang Gil Pangilinan sa komento ni Gatmaitan, at sinabing “Gusto niyang makuha ang boto sa Norte, ganyan karumi ang politiko sa atin. Booo!” kantiyaw nito.

Dumating ang pahayag ni Poe matapos ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, na mapayapang napatalsik ng milyon-milyong Filipino ang diktador at kanyang pamilya.

Sa buong mundo ay naging modelo ng mapayapang rebolusyon ang People Power at hinangaan kahit ng mga banyaga.

Ayon sa isang Marlene de Leon, hindi na niya iboboto si Poe. “Ayaw ko na sa kanya. Una, kumampi sa Iglesia Ni Cristo kahit Filipino rin ang naabala noong nag-rally sila sa EDSA. Ngayon naman, kampi sa mga Marcos. Pag malaki ba talaga, kinakampihan niya? Akala ko ba Gobyernong Galing at Puso, ‘yun pala para sa malalaking tao lang?”

Tila napunta sa panic mode ang kampo ni Poe sa mga naging reaksiyon ng maraming botante dahil sinubukan kumabig at sinabing hayaan daw ang korte ang magpasya sa isyu.

Hindi bumenta ang naging palusot ng kampo ni Poe dahil dumating ito matapos magkaroon ng negatibong reaksiyon sa mga pahayag ni Poe.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *