ITINANGGI ni Melai Cantiveros na rati ay may rivalry sila ni Pokwang.
“Guni-guni lang nila ‘yon. Unang-una, idol ko si Ate Pokie. Siya ang nagsimula ng mga ganitong mukha. Kung wala si Ate Pokie wala kami rito nila Kiray,”deklara niya sa presscon ng We Will Survive na magsisimula na bukas, February 29 sa ABS-CBN 2.
“Sobra akong pagka-thank you talaga kay Ate Pokie. Kaya nahiya ako kay Ate Pokie sa mga rivalry na ‘yan kasi siya ang inaaway. At saka si Ate Pokie talaga, Ate talaga ang turing ko sa kanya. ‘Happy Yipee Yehey’ palang tapos ‘Banana Split’ tinutulungan niya talaga ako sa mga outfit at saka sa make-up. Talagang Ate-Ate siya sa akin kaya nahihiya ako talaga kapag inaaway siya,” bulalas pa niya.
Natatawa rin si Pokwang sa rivalry issue nila ni Melai. Sinabi rin niya na hindi dapat pinagpapatol ang nasabing isyu dahil magkakapamilya sila, nasa iisang estasyon kaya dapat ay magtulungan.
Matagal na ring may offer na magsama sila sa isang serye pero ngayon lang nagtagpo ang schedule nila. Aminado si Pokwang na matagal na niyang gustong makatrabaho si Melai sa ganitong klaseng proyekto. Very light ang atake nila saWe Will Survive, tatawa ka pero bigla ka ring iiyak sa istorya. Makare-relate tayo ng bonggang-bongga. Pero, titiyakin nila na hindi lang ito tawa at iyak kundi makikita talaga ang realidad ng buhay ng mga magkakaibigan, magkakapamilya. May halong emosyon.
Kasama sa We Will Survive sina Josh De Guzman, Carlo Aquino, Jeric Raval, Bea Saw, Regine Angeles, Viveika Ravanes, Bing Davao, Alcris Galura,Maris Racal, Joshua Zamora, McCoy De Leon, at Vangie Labalan.
Tinanong din si Pokwang kung may artista rin ba na ayaw siyang makasama noong baguhan pa lang siya sa ABS? ‘Yun bang ayaw siyang maka-penetrate bilang comedienne at kung paano niya nasurvive ‘yun?
“Mayroon naman. Ayaw kong magpaka-plastic sa inyo,” pag-amin niya.
“Mayroon akong naranasang ganoon pero na-survive ko dahil ang laki ng tiwala sa akin ng network, hindi po ako pinababayaan, magaganda po ‘yung proyekto na ibinibigay sa akin. Hayun, naka-survive ako kahit ayaw niya kasi mahal ako ng network,” deklara niya.
“Pero mananatili ko po siyang idol pa rin kahit ganoon po ‘yun,” sambit pa niya.
Ano ang nararamdaman niya ‘pag nakikita ang artistang ‘yun?
“Wala po nararamdaman ko antok kasi kailangan ko ng tulog dahil sa dami ng trabaho.’Yun na lang po, deadma na lang,” bulalas pa niya.
Friends na ba sila ng taong ‘yun.
“Oo, Diyos ko, ang tatanda na natin para magkaroon ng ganyan pa. Ano na lang, isipin na lang natin ‘yung mga kinabukasan ng mga anak natin. Magtrabaho na lang ng magtrabaho,” sey pa niya.
Ay..ay sino ba ang tinutukoy ni Pokwang?
( ROLDAN CASTRO )