Friday , November 15 2024

P66-B Health Care Projects bantayan (Sen. Guingona nanawagan sa bayan)

NANAWAGAN kahapon si Sen. Teofisto Guingona sa lahat ng pamahalaang lokal at sa mga mamamayan nito na kailangan bantayan ang mga gawaing bayan o proyekto para sa mga programang pangkalusugan na binigyan ng Kongreso ng kabuuang alokasyong umaabot sa P66 bilyon.

Ayon sa reeleksiyonistang senador, vice chairman ng Senate Finance Committee na umaasikaso sa budget ng Department of Health, may kabuuang 23,605 health facilities, o infrastructures, ang nakasalang na ipatatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kinapalooban ng alokasyong P52 bilyon mula sa 2014-2016 national budget.

Ang libo-libong gawaing bayan ay kinabibilangan ng konstruksyon ng 20,741 bagong barangay health stations at 2,632 rural health centers at rehabilitasyon at repair ng 159 LGU hospitals at 70 DOH-retained hospitals.

Sinabi ni Guingona na kanyang aabisohan ang Department of Public Works at health agencies na naatasang magpatupad sa nasabing mga proyekto na makipag-ugnayan sa mga residente ng lugar kung saan ipatatayo ang health facilities para mabantayan.

“Walang pinakamabisang panlaban sa korupsiyon sa mga proyektong ‘tulad nito kundi ang pagmamatyag at pakikialam ng mismong mamamayan na makikinabang sa naturang mga proyekto,” pahayag ni Guingona.

“Naniniwala ako na ang pagnanakaw at pandaraya sa public-funded projects ay nagagawa lamang kung walang nagbabantay, o kung ang mismong mamamayan ay nagbubulag-bulagan,” paliwanag ni Guingona.

Sinabi ng reeleksiyonistang senador upang matapatan ang mga karagdagang health facilities ng tauhang-gobyerno na magbibigay ng mas malawak na serbisyo sa mamamayan ay nagbigay na rin ang Senado ng alokasyong P14.35 bilyon para sa new hiring at deployment ng 21,299 health care professionals.

Ang mga bagong hirang na health care workers na ipakakalat sa mga kanayunan ay kinabibilangan ng 1,451 doctors, 15,727 nurses, 3,100 midwives, 713 public health associates at 308 medical technologies.

“Bilang mambabatas ay ginawa na namin ang aming trabahong magpasa ng badyet para sa mga makabuluhang proyekto,  hinihingi ko naman ngayon ang pakikilahok ng taumbayan, lalo na sa pagmamatyag at pagbabantay laban sa mga sasalaula sa nasabing mga proyekto,” pagtatapos na pahayag ni Guingona.  

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *