Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, pinalitan na ni Maya sa puso ni Geoff

022616 geoff carla

FINALLY may kapalit  na si Carla Abellana. May bagong babae si Geoff Eigenmann sa katauhan ng baguhang female singer ng Star Music na si Maya. Magkapatid sila sa management ng PPL Entertainment, Inc..
Marami ang nakapansin na mukhang in love ang aura ni Maya. Mukha siyang masaya. Lantad sa Instagram account nila ni Geoff na nagdi-date na sila.

Tumawa siya nang malakas. ”Ano lang, masaya sa lahat ng mga nangyayari kaya siguro ganoon,” bulalas niya nang makatsikahan namin sa Stockpile Restaurant sa Sapphire Bloc, Ortigas.

Bakit nambigla sila ni Geoff?

“Bigla ba? Ha!ha!ha! Hindi naman sa bigla,”  reaksiyon niya.

022616 mayaIlang buwan na rin na nagkakamabutihan sila ni Geoff.

A few months na what? Nasa ligawan stage ba sila?

“Oo,parang ganoon,” mabilis niyang tugon. ”Dating lang,” dugtong pa niya sabay tawa.

Ano ang masasabi niya na ang tingin ng mga follower nila sa Instagram ay sila na ni Geoff?

“Ganoon ba ‘yun? Hindi dating pa lang. Getting to know each other pa lang,”paglilinaw ni Maya.

“Hindi..kasi nagkakasundo kami,” aniya pa.

Saang bagay?

“Sinasabi ng lahat na tahimik lang siya pero ‘pag kami lang, ang ingay naman. Madaldal naman siya. Nakakatawa naman siya at mahilig mang-asar. Parang comfortable naman with each other,” bulalas  pa ni Maya.

Ano ang nagustuhan niya kay Geoff?

“Hindi ko kasi ini-expect na napaka-simple niyang tao. He’s very simple sa lahat ng bagay. Chill lang siya. Wala … parang nagkasundo lang kami,” sey pa niya.

Pero hindi raw sila magka-date noong Valentine’s Day dahil umakyat sa bundok si Geoff at siya naman ay may Valentine gig.

“Pero bago siya umalis, bumisita siya sa gig ko then diretso na,” aniya.

Ano ang gift ni Geoff noong Valentine’s Day?

“Flowers,” sey niya sabay ngiti sa amin.

Nagkakila sila sa mga event ng PPL . Pero paano nag-start na ligawan siya ni Geoff?

“Kasi pag naggi-gig ako sa Stockpile (pagmamay-ari nina Perry Lansingan, Apple at Gabbly Eigenmann),  lagi rin siyang nandirito. And one time parang naakit yata. ha!ha!ha! Tapos bigla na lang siyang umupo sa tapat ko, mag-isa lang siya. Na-concious ako, eh nakakahiya ganyan tapos nag-message siya ..ganoon lang,” kuwento ni Maya.

“Unexpected,” pagsasalarawan pa ni Maya sa pagdating ni Geoff sa buhay niya.

Hindi ba siya natatakot na sikat na actor si Geoff?

“Ganoon naman palagi, nakakatakot ‘pag pumapasok sa isang relasyon,” diretso niyang sagot.

Ano ang reaksiyon ng manager nilang si Perry Lansigan?

“Okey naman po. Nagpaalam naman po si Geoff bago niya sinimulan lahat. May blessing din kay Perry,”  tugon niya.

Anyway, isang acoustic album ang ire-release ng Star Music na tampok sina Maya at Migz Haleco. Fifteen songs ang laman nito na may mga solo rin sila. Mapakikinggan din ang kanta nilang Hibang at ‘yung Suntok sa Buwan ngSession Road.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …