Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

19-anyos bebot utas sa mister ng tiyahin

HINATAW ng matigas na bagay sa ulo ang isang 19-anyos babae ng kanyang tiyuhin sa hindi pa batid na dahilan at itinago ang bangkay sa ilalim ng kama sa inuupahang bahay sa Pasay City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Merlyn Losano, walang trabaho, tubong Masbate, ng 154 Humilidad St., Brgy. Zone 1 ng nasabing lungsod.

Boluntaryong sumuko sa tanggapan ng Valenzuela Police Station makaraan ang krimen, ang suspek na si Marlon Balanza, 35, residente sa nabanggit na lugar, sasampahan ng kasong murder sa Pasay Prosecutor’s Office.

Nakatanggap nang naka-aalarmang mensahe sa pamamagitan ng text message si Lovely Balanza, 38, mula sa mister na suspek, nagsasabing napatay niya ang biktima na pamangkin ng ginang, dakong 6 p.m. kaya agad nagtungo sa bahay ni Losano.

Nang dumating si Lovely sa bahay ng biktima, sarado ang bahay at naka-padlock ang pintuan kaya humingi siya ng tulong sa mga opisyal ng barangay para mabuksan ito hanggang sa tumambad ang duguan at wala nang buhay na biktima. May malalim siyang sugat sa ulo at nakasubsob sa ilalim ng kama sa loob ng kanyang silid.

May hinalang may relasyon ang biktima at ang suspek ngunit mariin itong itinanggi ng salarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …