Monday , December 23 2024

Snatcher nasakote sa NAIA

ISANG snatcher ang nadakma ng mga security personnel at Aviation police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 makaraang hablutin ang bag ng isang papaalis na pasahero kahapon ng umaga.

Nahuli habang pumupuslit ang suspek na kinilalang si Yvanne R. Lacson, 53, ng Malibay, Pasay City, habang tangan ang bag ng babaeng pasahero.

Ayon sa aviation police, kabababa lamang ng van ng babae sa terminal 2 departure area para sa kanyang maagang flight nang biglang lumitaw si Lacson mula sa likod saka inagaw ang bag na naglalaman ng pera.

“Iyong bag ko,” sigaw ng pasahero matapos hablutin ng suspek.

Maagap na hinabol ni Michael Mosquito, security personnel ng Advance Security Force saka sabay hingi ng assistance mula sa kanyang kasama na si Ariel Ariena.

Dalawang Aviation police na kinilalang sina PO1 Amadito Ragos at isang kinilalang Asto ang tumulong sa paghabol sa snatcher.

Tinangka ni Lacson na tumakas patungong north wing ng departure area pero huminto at sumuko sa mga humahabol.

Dinala agad nina Ragos at Asto si Lacson sa PNP-Aviation Security Group terminal 2 office para maimbestigahan saka dinala sa Pasay City prosecutors’ office para sa inquest.

Tumayong complainant ang kapatid na lalaki ng pasahero dahil tumuloy na ang biktima sa kanyang flight.

Samantala, sinabi ni Manila International Airport Authority assistant general manager for security and emergency services Jesus Gordon Descanzo na planong mag-deploy ng karagdagang plainclothes policemen sa arrival at departure areas dahil sa insidente. (GMG)

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *