Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solon, 2 buwan suspendido sa US junket trip

SINUSPINDE ng Sandiganbayan Second Division sa loob ng dalawang buwan si South Cotabato 1st District Rep. Pedro Acharon, Jr., kaugnay ng kanyang kasong katiwalian dahil sa sinasabing junket trip sa Estados Unidos noong 2006.

Matatandaan, nagtungo si Acharon sa California, USA, kasama ang apat na opisyal ng General Santos City para sa Tambayayong Festival.

Ang South Cotabato solon ay dating alkalde ng GenSan at responsable noon sa paglalabas ng pondo para ano mang aktibidad ng kanyang nasasakupan.

Para sa prosekusyon, pagwawaldas ng pondo ang ginawa ng grupo ng mga respondent, lalo’t umabot sa P2.5 milyon ang kanilang gastos.

Sa panig ni Acharon, bilang kasalukuyang mambabatas ay wala siyang kapasidad na mag-release ng budget kaya hindi na siya dapat na suspendihin.

Gayonman, kinontra ito ng korte dahil ano man ang posisyon ng inaakusahang government official ay maaari siyang suspendihin kung nananatili pa rin siya sa gobyerno.

Kaugnay nito, inatasan ng anti-graft court si House Speaker Feliciano Belmonte para ipatupad ang nasabing suspension order.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …