Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kailan kaya makababalik ng Kapamilya Network si Maricel?

UMALIS si Sharon Cuneta sa ABS-CBN 2 noon para lumipat sa TV5.  Pero nang natapos ang kontrata niya sa Kapatid Network ay hindi na siya nag-renew. Mas pinili niyang bumalik sa ABS-CBN 2 noong muli siyang kunin nito.

Sa pagbabalik ng Megastar sa Kapamilya Network ay kinuha siyang isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar. Muling uminit ang career ni Sharon sa pagbabalik-Dos dahil sa taas ng rating ng show na bahagi siya.

Si Maricel Soriano ay umalis din sa ABS-CBN 2 para lumipat sa GMA 7. Binigyan siya nito rati ng seryeng Ang Dalawang Mrs. Real na gumanap siya bilang asawa ni Dingdong Dantes. After ng seryeng ‘yun ay hindi na ulit binigyan ng Kapuso Network ng serye ang Diamond Star.

Hanggang ngayon nga ay wala siyang regular exposure sa telebisyon.

Sana gaya ni Sharon ay muling kunin ng Dos si Maricel. Sana ay pabalikin na rin nila ito sa kanila gaya nang ginawa nila hindi lang kay Sharon, kundi maging sa dating magka-loveteam na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal at sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na pagkatapos din silang iwan ay muli nilang kinuha ang mga ito, ‘di ba?

No to Manny for 2016, lumawak pa

ISA lang si John “Sweet” Lapus sa mga nagalit kay Cong. Manny  Pacquiaodahil sa sinabi niyang against siya sa same sex marriage. Na masahol pa sa hayop ang mga taong nagpapakasal sa pareho nilang kasarian.

Sa kanyang social media accounts (Facebook, Instagram at Twitter)  ay hinikayat ni Sweet ang kapwa niya Filipino at mga kapatid sa LGBT community na huwag nang iboto si Manny bilang Senador sa darating na eleksiyon sa Mayo.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …