Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, nganga ang beauty noong Valentine’s Day

THREE years nang walang lovelife si Ynna Asistio kaya naman ‘nganga’ ang beauty niya noong Valentine’s Day. Family lang daw ang kasama niya.

Lumusog ngayon si Yna pero may challenge sa kanya ngayon ang The Aura Ruz Aesthetics and Medical Group na papapayatin siya sa loob ng pitong buwan. Ipakikita nila ang resulta ng before at after. Willing naman si Yna na pumayat. Siya ang bagong endorser ng Aura Ruz na dumalo siya sa grand opening ng bagong branch nila sa SM Las Pinas noong Sabado.

Ang adhikain ng Aura Ruz at ni Yna ay wala ring pagkakaiba sa Bilbiling Mandaluyong na pinili ang may pinaka-good personality na heavy weight . Layunin din ng pakontes na ito na magkaroon ng healthy lifestyle at challenge sa mga winner na magpapayat. Sa limang winners ay kailangang magpaligsahan sila ng pinakamababang timbang sa loob ng isang taon at ang mananalo ay may karagdagang premyo.

Nakuha ni Nadera Ali- Moosa ng Barangay Barangka Ibaba ang titulong Bilbilining Mandaluyong 2016. First runner up naman si Pag-asa Goldamir Balweg ng Barangay Malamig. Second runner up si Ma. Charizza Martinez ng Barangay Buayang Bato. Third runner Up si Armee Dizon ng Barangay Vergara, at fourth runner up si Fona Beige Elorde ng Barangay Burol.

Taunang event na ng City of Mandaluyong ang pagpili ng Miss Mandaluyong at Bilbiling Mandaluyong. Isinalin naman ng co-host ng Wowowin at naging Miss Mandaluyong 2015 na si Nichelle Yvette Corral ang korona kay Julee Anne MaeCabrera ng Barangay Hulo bilang Miss Mandaluyong 2015. 1st Runner Up si Henna Santos, 2nd Runner Up si Marie Sherry Anne Tormes, 3rd runner up si Cassey Annne Austria at 4th runner up si Geri Franchesca Camargo.

Congrats!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …