Saturday , November 23 2024

Richard, walang regrets na naglie-low sa showbiz

AFTER three years nagbabalik ang tinaguri ang Ultimate Primetime King na si Richard Gutierrez para sa seryeng Ang Panday ng TV5. Kasama niya sinaJasmine Curtis Smith, Bangs Garcia, Christopher de Leon, Epy Quizon,Alonzo Muhlach, Empoy, Ara Mina, Carlos Agassi, Regine Tolentino, Sam Pinto, at CJ Caparas.

Hindi isyu kay Richard kung second choice siya sa Ang Panday dahil nabanggit ni Derek Ramsay na inalok din ito sa kanya. Pero nilinaw ni Direk Carlo Caparasna si Richard ang choice talaga ni Tita Donna Villa na dapat gumanap na Flavio. Ang importante kay Chard ay siya ang final choice.

Malaking karangalan kay Richard na ipinagkatiwala sa kanya ang Ang Panday.

Tinanong siya kung okey lang ba kay Sarah Lahbati na may kissing scenes siya sa mga karapeha niya sa bago niyang serye? Alam daw ni Sarah kung ano ang pag-iisip niya at kung ano ang posisyon niya sa buhay. Kung ano raw ang ikagaganda ng Ang Panday ay okey lang sa kanya. Todo niyang ibibigay sa show.

Wala ring regrets si Richard na naglie-low siya sa paggawa ng serye. Nagkaroon daw siya ng maraming time sa pamilya niya, sa sarili  niya.

“Nakita ko ‘yung totoong mga tao sa paligid ko at nare-evaluate ko ‘yung buhay ko and I needed that. Nakapag-travel ako, maraming mga realization na nangyari sa akin at ngayon, I’m back and I’m ready,” sambit niya.

Magsisimula na sa Feb. 29 ang Ang Panday at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m..

Kapamilya, nananatiling pinakapinanonood na TV network

NANANATILING pinakapinanonood na TV network sa bansa ang ABS-CBN sa pagsisimula ng taong 2016 matapos pumalo sa national average audience share na 43% ang Kapamilya Network sa pinagsamang urban at rural base sa datos ngKantar Media.

Patuloy na namamayagpag ang mga programa ng ABS-CBN lalo na pagdating sa primetime (6:00-p.m.-12:00 m.n.) na nakakuha ng average audience share na 48% nationwide kontra 33% ng kalabang network.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Filipino sa buong bansa.

Nitong Enero, nakuha rin ng ABS-CBN and weekday noontime slot, matapos magtala ang It’s Showtime ng rating na 16.1%. Pagdating naman sa balita, TV Patrol (28.7%) pa rin ang pinakapinagkakatiwalaan ng mas maraming Filipino bilang tanging news program sa Top 10.

Hindi pa rin matinag sa unang puwesto ng pinakapinanonood na programa sa bansa ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.8% na sinundan ng Pangako Sa’Yo (31.4%) na katabla ang weekend top-raters naMaalaala Mo Kaya at  Wansapanataym sa ikalawang puwesto. Pumangatlo naman ang Dance Kids (29.8%).

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *