Monday , December 23 2024

LRT1 contract naaayon sa batas — Ex-LRTA Chief (Sa maintenance)

021516 FRONTSINAGOT ni dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades Robles ngayong linggo ang napabalitang paghiling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na isakdal siya sampu ng 12 iba pa matapos makitaan ng “probable cause” dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Aniya, “Ang maintenance contract sa pagitan ng LRTA at ng joint venture ng CB&T Philippines Corp., PMP Inc. at Gradski Saobracaj GRAS (CPG) ay naaayon lamang sa batas at walang iregular sa pagbabawas sa bilang ng mga janitor na kinontrata ng LRTA noong 2009.”

Sinabi ni Robles, ang pagbabawas ng mga tauhan ng mga service provider ay legal at isinagawa lamang matapos matanto ng LRTA na hindi lahat ng kinontratang janitor ay kailangan para sa trabaho.

“Ang pagbabawas ay pinapayagan ng batas bilang isang ‘deductive variation order,’ na babayaran nang mas mababa sa presyong napagkasunduan sa kontrata. Nakatipid pa nga rito ang gobyerno at sa huli ay naging kapakipakinabang sa publiko,” ani Robles.

“Pinapayagan ng Republic Act 9184, or the Government Procurement Reform Act ang variation orders, ito man ay karagdagan o kabawasan. Dahil ang mga kontrata sa gobyerno ay hindi na maaaring baguhin sa oras na naaprubahan, ang mga pagbabagong ito ay inilalagay na lamang sa mga payment voucher ng kontratista at, dito sa partikular na kaso, nasa kamay na iti ng Ombudsman,” paliwanag ni Robles.

Sa nasabing pahayag, sinabi ni Robles na ang minutes ng isinagawang negosasyon na may petsang January 6, 2009 sa pagitan ng LRTA at ng CPG ay nagpapatunay na lahat ng kabahagi sa kontratang ito ay nagkasundong bawasan ang bilang ng mga kawaning janitor ng 87, na nagbigay ng buwanang katipiran sa gobyerno na umabot sa P864,084 na piso.

“Ang ebidensyang magpapatunay na legal ang kapasyahang ito, ratipikado pa ng buong LRTA Board, ang pagre-renew ng janitorial contract sa kaparehong kontratista, sa ilalim ng kaparehong mga nakasaad na kondisyon, mula noong orihinal itong aprubahan noong “2009 hanggang sa taon kasalukuyan,” ayon kay Robles.

Matapos ang termino ni Robles, tatlong administrador ng LRTA at ang kani-kanilang pinagsilbihang LRTA Board ang umano ay nagratipika at nagpalawig ng naturang kontrata, giit ng dating administrador na isinailalim din sa special audit ng Commission on Audit.

Dahil ginamit na basehan ng mga kasong nabanggit ang 2009 post audit findings, dapat umanong isama din sa kaso ang mga nanungkulan bago siya naitalaga, ang mga sumunod sa kanya, ang kasalukuyang administrador at ang mga kasapi ng board na miyembro ng Liberal Party – hindi lang ang mga career employees ng naturang ahensiya.

Mali rin umano, ayon kay Robles, ang mga ulat na nagsasabing ang nabanggit na janitorial contract ay nagkakahalaga ng P400 milyon dahil ang kasunduan ay umabot lamang ng P3 milyon kada buwan.

Matapos pirmahan ang nabanggit na kontrata noong 2009, si Robles ay nagsilbing LRTA administrator hanggang Agosto 2010 lamang at hindi maaaring ganoon kalaking halaga ang binayaran ng ahensiya sa loob ng kanyang panunungkulan.

Dagdag niya, ‘kadudaduda’ umanong siya at ang kanyang mga tagapangasiwa ang mas piniling kasuhan ng Ombudsman, samantala ang kasalukuyang pamunuan ng Department of Transportation and Communications ang pinasasampahan ng kaso ng Senado at ng publiko dahil sa kanilang kabiguang ayusin ang serbisyo ng mga tren sa Kkamaynilaan at sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Si Robles, isa sa mga lider ng Buhay Party-list,  ay kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Sa resolusyong inilabas ng Ombudsman noong nakaraang Martes, ang mga inirekomendang isakdal batay sa kalakip na charge sheet, bukod kay Robles at sa kakontratang joint venture, ang mga dating opisyal ng LRTA na sina Federico Canar Jr., Dennis Francisco, Evelyn Macalino, Marilou Liscano, Elmo Stephen Triste, Eduardo Abiva, Nicholas Ombao, Roger Vaño, Maynard Tolosa and Juliet Labisto.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *