Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, laos na pokpok na handang mag-frontal

CHALLENGING at drama ang gagawin ni Ai Ai delas Alas sa Area para maiba naman at ibang ang makitang aktres. Okey lang sa kanya na gumanap na laos na pokpok na iba’t ibang lalaki ang natitikman niya. Mayroong magsasaka, tricycle driver, at mayroon din siyang dodonselyahin na bagets.

Tinanong tuloy si Ai Ai kung magpapa-go see siya ng mga makatitikiman niya pero ang malinaw lang ay may approval din siya.

“Hindi naman puwede ‘yung kung sini-sino lang,” sambit ng Comedy Queen.

Malaki ang pasasalamat ni Direk Louie na tinanggap ni Ai Ai ang ganitong challenging role.

“Rito ko nailalabas ang gusto kong mailabas. Aktingan factor,” sambit ni Ai Ai.

May limitasyon ba si Ai Ai sa pelikula o may ipakikita siya sa movie dahil pokpok siya?

“’Yung all-out depende kay Direk ‘yun kung hanggang saan niya ako io-all-out. Wala akong limitasyon. Mayroon namang art na hindi naman kabastos-bastos. Isinasalalay ko na kay direk ang buhay ko rito.

“Pero ‘yung ipakikita as pokpok, laos na pokpok ako rito kaya madali lang gawin ‘yun, Masyonders (matanda), walang ganda. ‘Yun na ‘yun,” tumatawang sagot ni Ai Ai.

Wala bang frontal?

“Tingnan natin. Tatanungin ko si Gerald (boyfriend niya) kung okey ba na may frontal basta siya lang ang nasa front,” bulalas niya sabay tawa.

Mayroon ba siyang peg bilang laos na pokpok?

“Mayroon..’yung case study nila. Nakita ko na ‘yung babae, medyo hawig, syunders, la-ocean deep,” pakli ni Ai Ai.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …