Monday , December 23 2024

Robredo kinastigo ng LP Solons (Sa override ng SSS pension hike)

 

021116 FRONTANIM na miyembro ng Liberal Party (LP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pumirma pa sa resolusyong magsasakatuparan sa itinutulak na ‘override’ laban sa veto ni PNoy sa P2000 SSS pension hike bill.

Dahil dito, umakyat na sa 65 ang bilang ng mga mambabatas na sumusuporta sa hakbang na pinangungunahan ni Rep. Neri Colmenares para kumalap ng kinakailangang 192 pirma.

Pinakabagong ‘signatory’ mula sa LP ay si Marikina 1st district Rep. Marcelino Teodoro na sumama sa limang mga kasamahan sa LP na naunang  lumagda sa nasabing resolusyon. Ito ay sina Rep. Pedro Acharon Jr., Rep. Rosemarie Arenas, Rep. Rodolfo Biazon, Rep. Manuel Iway, at Rep. Roman Romulo. 

Sina Reps. Acharon, Biazon, Iway, Romulo, at Teodoro ay kabilang sa 211 congressmen na tumangkilik sa pagsasabatas ng panukalang magdadagdag ng P2000 sa buwanang pension ng SSS retirees noong Hunyo 9, 2005.

Si LP vice presidential candidate Leni Robredo, na bumoto rin sa naturang panukala noong Hunyo ng nakaraang taon, ay hindi kabilang sa mga mambabatas mula sa LP na sumantabi sa hangaring pampolitika upang tuluyang suportahan ang resolusyon na iniakda ni Colmenares.

Makikita rin sa mga tala at rekord ng House of Representatives na wala si Robredo noong magpunta ang senior citizens sa Batasang Pambansa nitong nakaraang linggo sa huling araw ng sesyon ng kamara upang magpakita ng suporta sa resolusyon hinggil sa pagpapawalang-bisa sa veto ni Aquino.

Sa isang Facebook post ng aktibistang si Mae Paner na kilala bilang si Juana Change, mariin niyang kinondena ang mga mambabatas mula sa LP sa pagkakaroon ng oras sa pangangampanya, ngunit walang panahong mailaan upang pakinggan ang senior citizens na sumadya sa Kongreso upang itulak ang panukalang SSS pension hike law.

“May time kayo mangampanya pero ni wala kayong ibinigay na karampot na oras para pakinggan ang hinaing ng seniors? Ito ba ang Daang Matuwid?”

Mariing binatikos ang mga miyembro ng LP na bumaliktad ng kanilang paninindigan sa SSS pension hike bill matapos naunang tumaguyod sa nasabing panukala.

Pinuna nito ang biglaang pagkambiyo ng LP stalwart na si Rep. Jorge “Bolet” Banal ng Ikatlong Distrito ng Quezon City, sa pahayag na “nabago lang naman ang pagtingin n’yo noong nag-veto na si PNoy e.”

Sa kabila ng kanilang naunang boto na pumapabor sa SSS pension hike bill, nagsalit-salit ang pahayag sa publiko ang mga kasapi ng LP sa Senado at sa Kamara upang depensahan ang desisyon ni Aquino na i-veto ang naturang panukala.

Kabilang sa mga naunang bumoto para rito sina Rep. Edgar Erice, Rep. Barry Gutierrez, at Rep. Miro Quimbo. 

Sa parte ng Senado, matapos ipahayag noong Disyembre na ang pagsasabatas sa pagtaas ng buwanang SSS pension ay magsisilbing ‘aguinaldo’ ng gobyerno para sa retirees, binawi ni Senate President Franklin Drilon ang naturang anunsiyo sa pagsasabing iginagalang ang kapasyahan ng Pangulo.

Maging ang pambato sa pagkapangulo ng LP na si Mar Roxas ay idinepensa rin ang veto ni Aquino at iginiit na ang ginawa ng Pangulo ay ‘tamang desisyon.’ 

Kung magtagumpay ang inisyatibong ito sa Mababang Kapulungan, mapipilitan ang Senado na pagbotohan ang naturang panukalang batas.

Labing-anim na senador, o ‘two-thirds’ ng kabuuang miyembro ng Senado, ang kinakailangan upang maisabatas ang SSS pension hike law na binigyan ng veto ni Aquino.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *