Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, bibigyan ng launching movie ng Regal

071315 Kiray Celis

ANG taray ni Kiray dahil bibigyan siya ng launching movie  ng Regal Films pagkatapos ng Love is Blind movie niya with Derek Ramsay, Solenn Heussaff, at Kean Cipriano under Regal Films na palabas sa February 10.

Kinunan ng reaksiyon si Kiray dahil hindi siya nabigyan ng home network niya ng ganitong oportunidad.

“Show nga, hindi nila ako mabigyan, ano ‘to?” natatawang pahayag niya.

Pero wala naman daw siyang tampo sa Kapamilya Network.

“Kasi never naman po akong naging priority. Ba’t naman ako magtatampo? Kung ginawa nila akong bida roon, baka ’ano ba ‘yun, ba’t ‘di nila ako binibigyan?

”Pero never ko pong na-feel na special ako so, wala pong dapat ikatampo,” bulalas niya.

Feeling ba niya special siya sa Regal?

“Sobra. I mean, grabe ang Regal. Totoo,” sambit ni Kiray.

Ready na ba siya para sa isang solo movie?

“Siyempre, mas pressure na naman po, eto na naman. Sabi ko nga, hindi pa nailalabas ‘yung movie na isa, may bago na naman. Sabi ko, hindi ko nga alam kung okay ba ‘to,” pakli niya.

“Ayoko pong magyabang pero sana. Sabi sa akin ni Kuya Derek, huwag akong mag-alala or huwag akong ma-pressure. Sabi niya sa akin, magdasal lang daw ako, at ‘yun ang lagi kong ipinagdarasal.

“Siyempre, ‘yun ang pangarap ko. Sana, ito na ang tamang panahon. Sa tagal-tagal ko pong naging artista, ang tagal ko rin pong hinintay ‘yung panahon na ‘to,” pahayag pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …