Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, nilinaw ang joint account issue nila ni Rocco

051215 rocco lovi
SINGLE si Lovi Poe sa nalalapit na Valentine’s Day. Nasa limbo raw ngayon ang lovelife niya.

”It’s complicated,” pag-describe niya sa status niya nang makatsikahan siya ng press para sa Fantaisie concert nila ni Solenn Heussaff sa Music Museum ngayong February  6.

Friends pa naman daw sila ni Rocco Nacino.

“Siguro, I just wanna keep it private kung ano ‘yung nangyayari,”bulalas niya.

”I’m completely happy where I am now,” deklara pa niya kung naka-move on na siya.

May kinalaman ba sa pera ang hiwalayan nila na nagalaw umano ni Rocco ang joint account nila?

“Ah, it’s not true, ‘yung about money, it’s definitely. . .(not true), parang hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yun. It’s kinda unfai for Rocco. First of all, because Rocco is a good man and second, I am not the type to put up a joint account with someone I’m just in a relationship with..Parang, I guess I’m using my head aside from the fact that he’s not gonna do that and I’m also not the type,” deklara pa ni Lovi.

May nagsasabi  ring  charot  lang ang split up nila para sa kanilang  career.

”Well, I don’t know, basta ‘yung nangyayari sa aming dalawa, I just wanna keep it private,” sambit pa ni Lovi.

Samantala,  ire-reveal nina Lovi at Solenn ang kanilang pantasya sa loob ng kuwarto sa concert nila ngayong Sabado sa Music Museum. Say nga ni Lovi, marami raw pasabog na makikita sa kanilang show.

Guests nila sina Ogie Alcasid,  JC de Vera and Rodjun Cruz. Tickets are available at Music Museum or call 7216726 and Ticket World, 8919999.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …