Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, takot makarelasyon si Erik

091814 Erik santos Angeline quinto
HINDI namin alam kung ano ang drama nina Erik Santos at Angeline Quinto kung bakit hindi pa rin umaamin sa napapabalita nilang relasyon. Nadudulas naman si Angeline sa presscon ng concert nilang Royals na pumasok si Angeline noong mawala  ang isa pang Quinto sa buhay ni Erik.

Hirit  naman ng male singer, matagal nang tapos ‘yung sa kanila ni Rufa Mae Quinto.

Tinanong tuloy sina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasidkung  may nakikita silang  lambingan at kilig pag nagre-rehearsal sila ngRoyals na mapapanood sa February 13 sa MOA Arena.

“They’re very sweet to each other. Kasi laging magkaganito (holding hands), oo. ‘Di ko pa nakikita mag-kiss!”bbulalas ni Regine.

Pagbibiro naman ni Martin: “Wala ka sa kabila eh. Sa ABS , nagne-necking sila!”

Discreet  naman daw ang dalawa kaya hindi nila alam kung ano talaga ang real score sa dalawa. Misteryoso raw ang dating ng dalawa.

Hirit pa nga ni Regine, sa madaling salita ay walang pakialamanan dahil kahit sila ni Ogie Alcasid noon ay matagal din bago inamin ang relasyon.

Bago nagsimula ang open forum ay nakatsikahan  pa namin si Erik dahil siya ang pinakaunang dumating sa venue. Tinanong pa rin sa kanya kung naapektuhan pa rin ba siya kung hanggang ngayon ay isyu pa rin ang gender niya. Nasanay na raw siya sa 12 years na isyu ‘yan. Hindi naman daw siya umiyak pero noong una ay aminado siyang naapektuhan.

“‘Pag hindi naman totoo ang ibinabato nila, ‘yung parang  bahala sila,”pakli niya..

Dumako pa rin ang usapan sa relasyon nila ni Angeline na ayon sa source ay sobrang mahal na mahal ni Angeline si Erik. Nagkabiruan  pa nga na mag-sex na sila ni Angeline nang sabihin ni Erik na na-develop na ang raport nila sa pagperform sa stage.

“Bawal ‘yon sa relihiyon. Dapat ano  kasal muna,”  sambit ni Erik.

Ano ang pumipigil sa kanila?

“Sabi kasi ni Angeline, ang dami niyang fears. Ang dami niyang…Mamaya tanungin ninyo siya ,” bulalas pa niya.

Nagbiro ang isang katoto na takot si Angeline dahil daks siya?

“Siguro nga! Ha! Ha! Ha!” sakay naman niya.

Bakit alam niya (Angeline) na malaki?

“Dinidikit ko! Ha! Ha! Ha! Joke lang!” sakay pa ni Erik.

Seriously, selosa raw kasi ang mama ni Angeline lalo na’t silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay.

“Kinakausap siya na huwag muna siyang makipagrelasyon. May ganoon,” tugon ni Erik.

“Pero sabi ng mama niya, nagugupuwahan daw siya sa akin,” dagdag pa niya.

Tapos na raw sila sa ligawan  stage dahil sobrang kilala na nila ang isa’t isa.

Pero hangga’t magkasama sila ay sinusuyo naman daw niya at nilalambing.

Anyway,  isang malaking prebilehiyo at nakaka-pressure  sa kanila ni Angeline dahil kasama  ang mga icon na sina  Martin  at Regine ang Valentine show na Royals sa February 13 sa MOA Arena. Sa February 14  naman ay dadalhin nila ito sa Waterfront Hotel sa Cebu City. Balanse naman daw ang duets nila at exposure nilang apat.

Prodyus ito ng Starmedia Entertainment at I-Music Entertainment.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …