Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, nadawit sa hiwalayang Ciara at Jojo

010715 meg imperial
HINDI na pinaikot-ikot  ni Meg Imperial ang movie press  nang makapanayam  siya  sa presscon ng bagong season ng Wattpad Presents TV Movie.

Noong panahon ng serye niyang Moon of Desire ay proud siya sa pagsasabing virgin pa siya.

Binalikan siya ngayon ng press kung intact pa rin ba ang sinasabi niyang virginity?

“Siguro po, time changed naman, ‘yun na lang. Huwag na tayong magpaka-ipokrita,” prangka niyang pahayag.

Buong ningning na sinabi ni Meg na kagagaling lang niya sa pakikipagrelasyon sa non-showbiz guy. Nagkahiwalay sila dahil nagbago ang lalaki at parang nawalan ng respeto sa kanyan ina.

”Nagkaroon siya ng broken promises na involved ‘yung parents ko, so sabi ko, hindi puwede sa akin ‘yun kasi para sa akin, unang-una, mahalin mo ‘yung magulang ko, ‘di ba? Para alam ko na kapag magtagal man tayo, hindi mawawala ang respeto mo sa kanya. ‘Yun ang naging problema roon plus feeling ko, cassanova nga talaga siya,”  pagtatapat ni Meg.

Ang magiging episode kasi ni Meg  sa Wattpad Presents ay My Cassanova Husband’nkaya nai-konek niya sa naging experience sa ex-boyfriend.

Anyway,  clueless  pa rin si Meg  kung bakit siya nadamay  sa hiwalayang Ciara Sotto at Jojo Oconer na umano ay siya ang third party at siyang sumira sa marriage ng dalawa.

“Sinearch ko siya, to the point na sinearch ko siya, kung sino siya,”sambit ni Meg dahil hindi niya kilala si Jojo.

“Hindi ko nga rin po alam kung bakit (siya nadamay), hindi ko rin po alam kung paano nangyari, kung saan ‘yung source nila, pero sobrang layo po talaga,” aniya pa.

”So, ako rin po, palaisipan sa akin kung paano nakonek, kasi never ko pong i-involve ang sarili ko sa isang married man kasi kung ako man magkaroon ng relasyon, siyempre gusto ko, ako lang,” bulalas pa niya.

Sa mga nagtataka kung balik TV5 si Meg. Viva talent siya  kaya nailagay siya sa mga Viva show sa TV5.Nagpaalam naman daw sila sa ABS-CBN 2 na habang wala pa siyang project ay gagamitin muna siya ng Viva sa mga prodyus nilang shows.  Kasama rin siya sa Bakit Manipis ang Ulap sa TV5.

Nagbukas din daw sila ng negosyo ng Mama niya  sa Bicol.

Magsisimula na sa February 6 ang new season ng Wattpad Presents sa episode na pagbibidahan ni Ella Cruz, ang Avah Maldita.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …