Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, Love binitbit ang Cavs

112515 james love
PATULOY ang pamamayagpag ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference matapos kalampagin ang Phoenix Suns, 115-93 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.

Kumana sina star players LeBron James at Kevin Love upang tulungan ang Cavaliers na hablutin ang pangalawang sunod na panalo at ilista ang 32-12 karta.

Kahit lamang ang Cleveland, 55-50 ay medyo hindi maganda ang kanilang laro sa  sa unang 24 minuto.

Pero umarangkada ng 12-0 run ang Cavs sa pagbubukas ng second half.

Nagtala ang Cleveland ng 2-1 record sa bagong coach na si Tyronn Lue na pinalitan si dating head coach David Blatt noong nakaraang linggo.

May sahog din na nine assists si four-time MVP James habang may 11 rebounds si Love.

Samantala, dumaan sa butas ng karayom ang Oklahoma City Thunder bago talunin ang kulang sa sandatang Minnesota Timberwolves, 126-123.

Kinatay naman ng Los Angeles Clippers ang Atlanta Hawks, 85-83.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …