Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Susan, nadapa nang samahan si Grace sa Comelec

012716 susan roces grace poe FPJ

NADAPA pala sa Padre Faura ang Movie Queen na si Susan Roces noong suportahan niya ang kanyang anak na si Senator Grace Poe sa first part ng oral arguments sa Supreme Court para sa mga petisyon na inihain ni Sen. Grace Poe na mabasura ang mga decision ng Commission on Elections (COMELEC) na pumipigil na siya ay tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.

Humingi ng paumanhin si Grace  sa press dahil hindi nasagot ni Susan ang mga katanungan dahil may iniinda itong sakit.

“Pagpasensyahan na kami. Alam n’yo ang nanay ko, hindi na rin ganoon kabata. Naglakad din siya mula Padre Faura papunta roon sa ‘yung mga nakakita sa kanya. ‘Di ba, nadapa siya? Hindi na lang niya ipinakita ‘yung kanyang pagdaing pero ‘yung paa niya medyo namaga roon,” paliwanag ni Grace.

Anyway, 11 taon matapos pumanaw ang Hari ng Pelikulang Filipino, mabango pa rin ang pangalan ni Fernando Poe Jr.dahil sa rami ng kaniyang natulungan sa industriya ng showbiz at maging sa mga pangkaraniwang mamamayan.

Kaya naman pangako ni Sen. Poe, hinding-hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira ng pangalan ng kanyang mga magulang na sina FPJ at respetadong aktres na si Susan kung siya ay papalaring maging pangulo ng bansa.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …