Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, ‘di nahalata ni Cristine na may pinagdaraanan

012716 Cristine Reyes zanjoe marudo
NAPANSIN ni Cristine Reyes na mas lumalim ang acting ni Zanjoe Marudo sa bagong serye nilang Tubig at Langis na magsisimula sa February 1 sa ABS-CBN 2.

Feeling niya ay mas makatotohanan ang pag-arte ngayon ng actor. Although sinabi ni Zanjoe na wala siyang pinaghuhugutan o ibinabase sa karanasan ang kanyang pag-arte. Ginagampanan lang daw niya kung ano ang nararapat sa kanyang role.

“Kung ano po ang character ko, kung ano po ‘yung nasa istorya, kung sino si Natoy, mas doon po ako nakararamdam.Mas nararamdaman ko po kapag doon ko hinugot kaysa totoong buhay,” deklara ni Zanjoe.

Samantala, wala naman daw idea si Cristne sa mga pinagdaraanan ngayon ni Zanjoe sa kanyang lovelife. Lalo’t ang focus niya ngayon ay sa baby niya at sa nalalapit niyang kasal. Tutok din kasi siya sa bahay na ipinagagawa.

Pero nakikita naman niya na mukhang okey ang aura ng kanyang leading man. Mukhang iniiwan naman daw sa bahay ang personal niyang problema.

Sinabi rin ni Cristine na mas komportable siya ngayon na kasama si Z (tawag kay Zanjoe) pagkatapos nilang magkasama sa Banana Split, Precious Hearts Romance Presents: Kristine, at Bromance.

Aminado siya na rati ay awkward ang pakiramdam niya ‘pag kasama si Z dahil pareho silang tahimik.

Hindi sila masyadong nagtsitsikahan.

May kissing scene sila ni Zanjoe sa Tubig At Langis at hindi naman daw magiging isyu ‘yun sa kanyang fiancé. Pero may restriction na rin siya sa pagpapa-sexy lalo’t ikakasal na siya. Medyo may exclusivity for Ali na lang.

Kasama rin sa Tubig at Langis sina Isabelle Daza, Archie Alemania, Victor Silayan, Vivian Velez, Lito Pimentel, Nadia Montenegro, Dionne Monsanto, Miguel Vergara atbp..

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …