Friday , November 15 2024

7 bebot nasagip sa human trafficking

PITONG kababaihang pinaniniwalaang mga biktima ng ‘human trafficking’ ang nailigtas ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga City International seaport.

Ayon kay BI Commissioner Ronaldo Geron, namataan ng BI inspectors ang nasabing mga biktima na patungo sa Sandakan, Malaysia.

Sa impormasyon, tangkang ilusot ng sindikato sa pantalan ang nasabing mga biktima, pero nagduda ang mga tauhan ng Immigration Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa dokumentong ipinakita nila.

Sa puntong ito, natuklasang kuwestiyonable ang mga papeles ng mga biktima kung kaya’t isinailalim sa interogas-yon hanggang makompirmang biktima sila ng human trafficking.

Dahil sa insidente, iniutos ni Geron sa kanyang mga tauhan sa Zamboanga City International Seaport na mahigpit na ipatupad ang pagsisiyasat sa mga papeles ng mga Filipino na palabas ng bansa.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *