BINGYANG parangal ang GMA Artist talent na si Rocco Nacino bilang Person of the Year na ibinigay ng Kabataang Sama-Samang Maglilingkod Inc. atTanghalang Pasigueno.
Kinilala si Rocco bilang matagumpay sa larangang pinasukan niya at bilang outstanding member of the youth na naging inspirasyon ng mga kabataan.
“Maraming salamat, Philippine Youth, sa karangalang ito. I’m deeply honoured to receive this special recognition. I am excited to take on the responsibility to inspire and empower our youth in order to broaden their opportunities for success in the future,” deklara niya.
Samantala, noong huli naming makita si Nacino ay mahaba ang buhok at pumayat. Tinanong nga namin ang handler niya kung bakit mukhang tuyot ito? Hindi kasi bumagay sa kanya ang mahaba niyang hair at kailangang paputulan.
Naapektuhan ba si Rocco sa balitang pinagdaanan ng relasyon nila ni Lovi Poe? Mukhang okey na naman sila dahil magkasama pa silang dumalaw sa burol niKuya Germs.
Nakita namin ang latest photo ni Rocco, mukhang makapal pa rin ang buhok at pumayat ang mukha. Hindi pa rin bumabalik ang magandang aura.
Dapat maging aware si Rocco sa hitsura niya.
TALBOG – Roldan Castro