Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal, itinanggi ni Solenn para sa career

011516 Solenn Heussaff
PINAIIKOT ni Solenn Heussaff ang isyung kasal na siya kay Nico Bolzico. Ayaw niyang umamin at pinaninindigang party-party lang ang nangyari sa Argentina. Pinaninindigan niya na single pa rin siya sa presscon ng bago niyang pelikulang Lakbay2Love kasama si Dennis Trillo.

Ang pagdi-deny ni Solenn ay may kinalaman siguro sa sexy image niya na posibleng maapektuhan lalo’t may movie pa siyang ipalalabas with Dennis at susundan pa ito ng movie niya sa Regal Entertainment with Derek Ramsay naLove is Blind.

Anyway, nagliliyab ang screen presence nina Dennis at Solenn sa  Lakbay2Lovemula sa Erasto Films. Ito ang pangalawang pagsasama nila pagkatapos ng filmfest movie noong araw na Yesterday, Today, Tomorrow.

Tambak ang hugot lines nila sa movie, hatid din ang mga mensaheng pag-aalaga sa kapaligiran. Pinasok din nila ang mundo ng bikers kasama si Kit Thompson sa mga scenic biking spots gaya ng La Mesa Dam sa QC, Timberland Heights sa San Mateo, at Benguet para sa objective ng movie.

Hindi rin mabibigo ang humahanga sa alindog ni Solenn na lutang na lutang sa kabuuan ng pelikula.

Showing na sa February 3 ang L2L.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …