Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Alden sa Dubai mas tinao kaysa kay Daniel

120915 daniel alden
NAGPAIWAN kami sa Dubai pagkatapos ng show ni Alden Richards.

Nalaman namin na nag-show na rin doon si Daniel Padilla.

Ayon sa nakausap namin, mas maliit ang venue ni Daniel kompara sa Dubai Duty Free Tennis Stadium (lugar na pinagdausan ng show ni Alden).

Kahit puno ang show ni DJ, kung pag-aaralan mas marami pa ring tao sa show ni Alden.

Sey ng isa sa producer ng Dubai na si Ms. Caroline Jimenez Poot, masaya na sila sa outcome ng show ni Alden sa one month preaparation nila. Ang production din nina Ms Carol ang nagdala noon sa Dubai kina Toni Gonzaga, Sam Milby, Rico Blanco, Ethel Booba, Daniel Matsunaga atbp..

Bago pa mag-Christmas ay sold out na ang VIP tickets nila at ‘yung ibang expenses ay sagot ng mga sponsor nila. Proud din sila na nadala nila sa Dubai ang isa sa pinakasikat na actor ngayon ng Pilipinas.

Balak din ng production na dalhin sa Dubai sina Jose Manalo, Wally Bayola, Yaya Dub kung mabibigyan ng pagkakataon at walang conflict sa schedule nila.

Anyway, grabe ang fans nina Alden at Yaya Dub sa Dubai. Kahit ako ay niregaluhan ng Aldub Middle East kaya maraming salamat. Ang dami ring ipinadalang  regalo kay Yaya Dub pero hindi naman madadala ng personal assistant ni Alden dahil tumuloy pa sila ng Qatar at tambak din ang gifts na galing sa mga pabolosong fans na magkakasya lang sa bagahe nila. Ang ending ipadadala na lang ng producer ng Dubai.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …