Saturday , November 23 2024

Gun ban at PNP-Comelec Checkpoint

Ibig sabihin ay bawal nang magdala ng baril ang sinuman, maliban kung ito’y mayroong permit of exemption mula sa Comelec.

Ang maari lamang bigyan ng gun ban exemption ay ang mga VIP katulad ng Presidente at mga cashier o ang mga nagdadala ng malaking pera.

Isinaalang-alang din ang mga personahe na may mga banta sa buhay.

Ang mga pulis at sundalo ay pinapayagan din magdala ng baril basta’t ito’y nakauniporme.

Mabigat ang parusa sa sinumang mahuling nagdadala ng baril. Bale dalawang kaso ang kanyang kakaharapin. Ito’y ang illegal possession at paglabag sa Comelec gun ban.

Sa pagpapatupad ng checkpoint, kailangang ito ay nakalatag sa maliwanag na lugar (may ilaw), may nakalagay na karatula ng PNP, may behikulo na markado ng PNP, unipormado ang mga pulis at may kasamang opisyal (at least Inspector o Tinyente).

Ang mga sasakyan lalo kotse pag dumaan sa checkpoint ay dapat ibaba ang bintana ng kanilang sasakyan hanggang kalahati (kapag gabi, dapat buksan ang ilaw ng loob ng sasakyan). Pero ang pulis ay hindi maaring ipasok ang kanilang ulo, katawan o kamay sa loob ng sasakyan para mag-search kundi sisilip lamang ito sa labas at hindi dapat nakadikit sa behikulo. Plain view lamang ang kanilang pag-search.

Maliwanag po yan, mga pare’t mare…

Grabeng droga sa Brgy. 42-A, Tacloban City

– Sir Joey, grabe ang bintahan ng shabu dito sa Brgy. 42-A, Tacloban City. Kaya hindi masupo-sugpo… kasi pamangkin ng kapitan ang pusher at anak at apo ng kagawad mga tulak din, pati dating kagawad pusher din. Sana maaksiyunan na ito ng kapulisan lalo ng PDEA o NBI. Kasi ang mayor dito puros politika ang pinag-aabalahan. -Concerned citizen

Binababoy na naman ang Baywalk sa Maynila

– Good day, Sir Joey. Iparating ko lang sa amin meyor dito sa Maynila. Kasi dito po sa Baywalk, Roxas Boulevard, ang mga nagtitinda ng isda at almusal halos hindi na makita ang upuan dahil sa usok. Kasi dito sila nagloloto. Binababoy na naman nila ang Baywalk. Wag po ilabas ang numer ko. – Concerned citizen

Ano ba ang ginagawa ng Baywalk Patrol dyan? Manila City Hall-Department of Public Safety (Service), paki-aksiyunan po ito.

Raket ng Green boys sa Las Pinas City

– Aktibo parin ang raket nitong Green boys na si Martinez ng traffic enforcers ng Las Pinas City lalo na sa mga school service na katulad namin dito sa kanyang nasasakupan. Mayor, baka po lumala ito, noon pa niya ginagawa ito. – 09995185…

Wag nang iboto ang re-electionist na walang ginawa kundi magpayaman

– Ka Joey, tama ka. Wag nang iboto ang mga nakapuwesto (reelectionist) at walang ginawang pagbago sa kanilang lugar kundi ang mga bulsa nila. Mali po na iboto ang maka-Diyos kasi po nagsisimba rin ang mga Diyablo at nagdarasal tulad ko. (Joke lang po). Ang dapat ay iboto yung mga taong may takot sa Diyos. Yan ang mga taong di papatay, di magkukurakot, di mambababae at mang-aabuso ng kapwa tao. kasi may takot sila sa Diyos. Sila ang karapat-dapat na iboto. – 09203234…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *