PASSING time! Christmas was spent in the cold and wintry places in the US. ‘Yun ang dating ng sinabing bakasyon ni Kris Aquino and her kids sa Amerika. Unless they preferred to go tropical sa Hawaii.
Paraan na rin daw ‘yun para makabawi ang nanay nina Josh at Bimby sa lagay ng kanyang kalusugan na maya’t mayang naatake ng high blood. Kaya kailangan niya ito talagang bigyan ng pansin.
Kaya kung may nagpapadala ng lechon sa kanya eh, hindi niya talaga maa-appreciate at ni balat nito eh, hindi niya makakagat. At ang nasabing bakasyon din daw ang paraan para siya maging normal na ang pangangalaga lang sa dalawang boys ang aatupagin niya.
Sabi ng mga miron, tama nga lang daw sigurong umiskerda muna si Kris sa panahon ng MMFF (Metro Manila Film Festival) showing dahil hindi siya nakasabay sa bestie niyang si Vice Ganda sa pag-ariba ng pelikula nito at ni Coco Martin sa box-office!
Ang All You Need is Pag-Ibig umano ay inalis na sa ilang mga sinehan. True na true ba ito?
HARDTALK – Pilar Mateo