Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special, mapapanood na!

121815 kapamilya ABS-CBN Thank You
NAGSAMA-SAMA ang mga bigating Kapamilya star pati executives sa pagsabi ng thank you for the love at pagpapasaya sa milyon-milyong tagasuporta saKapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special, na ipalalabas ngayong Sabado at Linggo (Dec 19 & 20).

Pinangunahan ng love teams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Liza Soberano, at James Reid at Nadine Lustre ang pagpapadama ng pag-ibig sa taunang ABS-CBN Christmas Special na ibinida ang kahalagahan ng pagpapasalamat at pagmamahalan na isinasalamin ng tema ng Christmas station ID ng Kapamilya Network.

“Ang Pasko at Bagong Taon ay mas maganda pang pakinggan ‘pag durugtungan natin ng maraming salamat. Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, may pagmamahalan tayo sa isa’t isa, kaya nararamdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko,” ani ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa Christmas special.

Ipinaliwanag din ni ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio kung bakit pag-ibig ang diwa ng Pasko. Aniya, ”Ang Pasko o ang kapanganakan ni Jesukristo ang pinakadakilang paraan ng Diyos upang ipadama sa atin na lahat tayo ay mahal niya ng walang hanggan. Kaya’t sana, walang tigil din tayong magmahalan at magpasalamat sa bawat isa.”

Umaapaw din sa pag-ibig at saya ang Christmas special dahil sa iba’t ibang nakaaaliw at nakakikilig na production numbers ng Kapamilya stars.

Ilan sa mga natatanging performance sa Christmas special ay ang pagpapakilig ng Kapamilya leading men na pinangunahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz; ang duet nina Ang Probinsyano stars Coco Martin at Simon Pineda; ang engrandeng Your Face Sounds Familiar production number; ang circus-inspired performance ng It’s Showtime family; ang global Pinoy pride tribute nina Gary V. at Bamboo sa mga Pinoy na nag-iwan ng marka abroad; at ang espesyal na back-to-back performances ng cast ng All You Need is Pag-Ibig at  Beauty and the Bestie, at ang nakaaantig na sorpresa ni Vice Ganda sa kanyang ina.

Huwag palampasin ang lahat ng performances ng inyong paboritong Kapamilya stars sa Kapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special, ngayong Disyembre 19 (part 1) and 20 (part 2) sa ABS-CBN.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …