HINDI natitinag ang pagiging Primetime King ni Coco Martin dahil angat sa ratings ang kanyang seryeng Ang Probinsyano.
Nananatiling pinakapinanonood na TV network sa bansa ang ABS-CBN noong Nobyembre matapos pumalo sa national average audience share na 42% ang Kapamilya Network sa pinagsamang urban at rural homes base sa datos ng Kantar Media.
Patuloy na namamayagpag ang mga programa ng ABS-CBN lalo na pagdating sa primetime (6:00-12:00 midnight) na nakakuha ito ng average audience share na 49% nationwide.
Numero uno ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.9% na sinundan ng Pangako Sa ’Yo (34.8%) at bagong dance reality serye na Dance Kids (31.6%) na agad pumasok sa top three matapos ang tatlong linggo sa ere.
Umakyat naman sa ikaapat na puwesto ang Wansapanataym (31.5%) mula sa ikaanim na puwesto noong Oktubre kasunod ang TV Patrol (31.4%) at weekend top raters na MMK (28.2%) at Home Sweetie Home (28%).
TALBOG – Roldan Castro