Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Choice at ‘di endorsement ang pag-endoso ko kay Mar — Carla

020915 Carla Abella

00 SHOWBIZ ms m“E NDORSEMENT po ba ‘yun? Product po ba ‘yun? It’s really more of a choice than an endorsement.” Ito ang isinagot sa amin ni Carla Abellana nang tanungin ito ukol sa pagbatikos sa kanya ng netizens sa pagsuporta sa kandidatura ni DILG. Secretary Mar Roxas para sa pagkapangulo sa 2016.

Ani Carla, si Roxas ang personal niyang napili dahil sa track record nito. Marami raw kasing nagawa si Roxas at pinaka-qualified na tumakbo bilang presidente ng Pilipinas.

121415 carla Abellana Vita-E
Si Vita-E ambassadress Carla Abellana kasama sina ATC Healthcare Marketing Manager Louie Albert at CEO Derick Wong sa contract signing.

Kilala rin daw niya si Roxas. ”I was able to get to know him outside of work or off-cam on a personal level po,” giit pa ng dalaga na endorser ng Vita E Softgel Capsule ng ATC Health products. ”It’s part of the decision in choosing a presidential candidate. Pinag-usapan namin ng matagal ‘yan ng manager ko (Arnold Vegafria) and I guess hindi maiiwasan na may hindi gusto sa ginawa mo at magagalit sa’yo. You can’t please everyone naman.”

Napapayag namang iendoso ni Abellana ang Vita E Softgel Capsule dahin aniya, ”This promotes good skin and well being, which is a must for someone like me who currently has four regular shows kaya lagi akong puyat at pagod.”

121415 carla Abellana ATC Derick Wong
SI Vita-E ambassadress Carla Abellana kasama si ATC Healthcare CEO, Derick Wong.

Ang Vita-E ay may 400 IU ng Vitamin E, isang antioxidant na epektibong nilalabanan ang free radicals na sumisira sa cells at nagreresulta sa fresh at youthful looking skin. Ang Vita-E ay umeepekto from the inside kaya naman hindi ka lang looking great dahil mararamdaman mo rin na healthy ka inside. Nakatutulong din ito para mapanatili ang healthy functions ng puso, blood vessels, at nervous system. Ang Vita-E ay nagpapatibay din ng immune system ng tao.

Kaya naman sa Vita-E, effortless ang beauty. Tingnan n’yo naman si Carlo, lalo pang gumaganda.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …