Friday , November 15 2024

Sarili kinoryente ng MCJ inmate, patay

“Ka-lugar ang sarap magpasko sa laya. Gusto ko nang lumaya.”

Ito ang sinasabing inihayag ni Gregorio Trinidad, 38-anyos bading na inmate sa Manila City Jail, sa ilang kasamang preso bago nagpakamatay sa pamamagitan ng paghawak sa live wire sa loob ng kanyang kubol dakong 10 p.m. kamakalawa.

Ayon sa report na isinumite sa Manila Police District-Homicide Section ni JP3 Jose Rodzon, unang inakala ni Sonny Tazarte, mayores sa Culturero Selda 1 ng MCJ, na natutulog lamang ang biktima nang hanapin dahil kulang ng isa ang pinangangasiwaan niyang preso.

Sa puntong ito, nakita niya ang walang malay na biktima habang nakaupo sa loob ng kanyang kubol.

Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid sa imbestigasyong nakarating kay Jail Supt. Clint Russel Tangeres, si Trinidad ay may kasong paglabag sa R.A. 9165, Section 11 dahil sa pag-iingat ng shabu, at kasalukuyang nililitis sa korte.

Ilang kasama sa kulungan ng biktima ang nakakakita na malimit na nagsasalitang mag-isa si Trinidad kaya hinihinalang naburyong sa loob ng piitan.

Huling nakitang buhay ang biktima nang dalawin ng kanyang ina bago isinagawa ang pagkoryente sa kanyang sarili.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *