Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malalim na friendship nina James at Bret, pinagdududahan

120815 bret james
NAKAWIWINDANG din na pinagdududahan ang malalim na friendship ninaJames Reid at Bret Jackson.

“Sorry to disappoint, but we are not gay!,” deklara ni Bret sa presscon ng pelikulang Angela Markado na showing ngayong Disyembre 2.

Pinagtatawanan lang nila ni James ang umanoy’ gay relationship issue nila. Hindi raw ba puwedeng ang dalawang lalaki ay maging matalik na magkaibigan at hindi lalagyan ng label ng kabaklaan? Hindi naman daw sila against sa men to men na relasyon at nirerespeto nila ‘yun.

Simula pa noong magkasama sila sa Pinoy Big Brother ay magkaibigan na sila at hindi dapat lagyan ng malisya ‘yun. Nakasisiguro raw sila na babae ang trip nila.

Hindi raw nagbago si James kahit sikat na. Minsan nga raw ay natutulog ito sa kanila ‘pag may ASAP siya dahil nasa QC lang siya nakatira samantalang sa Makati pa si James.

May isyu rin na playboy silang magkaibigan at mas mabuti na ‘yun kaysa gay issue. Basta magkaiba ang tipo nila ni James sa babae. Morena na may pagka-skinny ang type ni James at siya naman ay short girls. Hindi raw sila mag-aaway pagdating sa babae dahil magkaiba ang gusto nila.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …