Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot dedbol sa bundol ng traktora

PATAY ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang traktora sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay noon din ang biktimang kinilala lamang sa alyas Georgie, tinatayang nasa edad 30-35, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at maong pants, dumanas nang matinding pinsala sa katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang operator-driver ng traktora na si Roel Impil Gumanad, 25, ng Talanay Area-B, Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat ni Chief Inspector Marlon Almoguerra, ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa panulukan ng President Sergio Osmena Sr. Highway at A. Arnaiz Avenue, Brgy. Pio Del Pilar ng  lungsod.

Minamaneho ni Gumanad ang tractor head na nakakabit sa trailer truck (PXR-982) at (TUC-428) habang tinatahak ang naturang lugar nang biglang tumawid ang biktima.

Huli na bago nakontrol ng driver ang preno na naging dahilan upang mabundol ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …