Sunday , August 24 2025

‘Laro Tayo’ inilunsad ng Accel Quantum Plus

112715 larong pinoy Accel Willy Ortiz

TINALAKAY ni ACCEL president Mr. Willie Ortiz sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate na buhayin ang katutubong larong pinoy sa kanilang inilunsad na ‘Laro Tayo’ na dapat itaguyod at muling pasiglahin na sinusuportahan ng ACCEL Quantum Plus. ( HENRY T . VARGAS )

INILUNSAD ng pangunahing Pinoy sport apparel Accel Quantum Plus ang adhikaing may layuning ibalik ang popularidad ng mga tradisyonal na larong Pinoy, kabilang ang tumbang-preso, luksong kalabaw, patintero at luksong-tinik, para isulong ang halaga ng kalusugan sa kabataang Pinoy.

Sa gitna ng paglaganap ng internet at social media, nais ng Accel na mapigilan ang paglalaho ng mga larong pambata na dating kinagigiliwan ng mga sinuanang kabataan bago ang henerasyon ng mga computer at makabagong teknolohiya.

“Ang ating kabataan ay nalululong na sa pagkalikot ng kanilang mga gadget o paglalaro sa mga internet café nang mahabang oras,” punto ni Accel president Willy Ortiz.

“Nabawasan na ang pisikal na akitibidad sa kanilang ginagawa kaya dapat nating ibalik ang mga tradisyonal na laro,” dagdag ni Ortiz.

Binansagang ‘Laro Tayo,’ nangangalap ngayon ang Accel ng suporta sa proyekto mula sa iba’t ibang eskuwelahan para mabigyang atensiyon ang halaga ng ehersisyo sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga traditional childhood games.

Sa nakalipas na 15 taon, sinuportahan ng Accel ang maraming atletang Pinoy sa kanilang pagpupunyaging mabigyan ng karangalan ang bansa sa pandaigdigang entablado ng palakasan.

Ilan sa mga atletang naging kabalikat ng Accel ay sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao, PBA star Mark Caguiao at basketbolistang si Asi taulava. Bahagi rin sa mga proyekto at programa ng Pinoy sports apparel sina Youth Olympics gold medalist Gab Moreno ng archery, Gilas Pilipinas standout Chieffy Calindong at ang Triggerman Allan Caidic bilang endorser ng kompanya.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

FIVB Kid Lat Kool Log

FIVB Men’s World Championship, ramdam na sa Cebu

UMABOT na sa Visayas, partikular sa Cebu City, ang kasabikan para sa FIVB Volleyball Men’s …

Pilipinas Senior Golf Tour Organization PSPGTO

Pilipinas Senior Golf Tour Organization (PSPGTO) binuo

Muling mabibigyan ng pagkakataon na magpamalas ng kahusayan ang mga seniors professional golfer sa pamamagitan …

Alan Peter Cayetano FIVB Mens World Championship 2025

‘Family spirit’ ng volleyball, susi sa sports tourism — Cayetano

BINIGYANG DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang kahalagahan ng pamilya, pagtutulungan, at …

FIG Junior World Championships

Mga Baguhang Gymnastics stars, Magpapasiklab sa FIG Junior World Championships

ISANG BAGONG henerasyon ng mga baguhang bituin sa gymnastics mula sa iba’t ibang panig ng …

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *