Friday , December 27 2024

L-aban I-to ng M-aynila

PANGILHelp others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life. — Arnold Schwarzenegger

PASAKALYE: Sabi ng ilan ay dapat nang magretiro si ALFREDO LIM dahil napakahabang panahon na siyang nanilbihan para sa bayan. Kung pagbabatayan ang kanyang edad, aba’y marami na ring dapat magretiro sa politika dahil sa gayon ding katuwiran.

Sa ganang amin, may mga tao—tulad ni LIM—na sadyang ninanais na makarating sa huling hantungan ‘with their boots on.’ Ito ang mithiin ng dating police general at dati ring direktor ng National Bureau of Investigation (NBI). Nais niyang manilbihan at makapagbigay ng tapat na serbisyo sa kanyang nasasakupan—hindi tulad ng iba na ang nais makamit ay panatilihin ang sarili sa kapangyarihan at palaganapin ang kanilang impluwensya sa ating lipunan upang sila at ang kanilang pamilya ang makinabang sa kaban ng bayan.

Tama po ba, Ginoong ERAP?

SA lokal na eleksyon sa lungsod ng Maynila sa susunod na taon, ang paghaharap ni ex-cop FRED LIM at ex-convict ERAP ESTRADA ay masasabing laban ng kasamaan at kabutihan.

Kailangan bang itanong po kung bakit?

ANG totoo, ang adhikain ni LIM na ibalik ang dating serbisyong pinairal niya sa lungsod ay maituturing na para sa kapakanan ng mga Manilenyo: L-aban I-to ng M-aynila!

Karangalan para sa Filipinas

MALAKING karangalan para sa Filipinas na dito ganapin sa ating bansa ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit Economic Leaders Meeting (SELM)  kaya puspusan ang ginawang monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary VOLTAIRE GAZMIN. Wala silang natanggap na banta ng terorismo at threat sa buhay ng mga lider ng iba’t ibang nasyon na dumalo sa APEC. Tinitiyak din umano nila na ligtas ang mga lider at magkakaroon ng matibay na situational awareness. Maraming mga Filipino ang umaasa na magkakaroon ng pagbabago sa ating ekonomiya pagkatapos ng summit. – Verna S. Cayetano ng Tandang Sora, Quezon City

Tama si Amb. Paynor

TAMA si Ambassador MARCIANO PAYNOR JR., ang Director General ng APEC National Organizing Committee na iginagalang nila ang karapatan ng mga militante sa pagpapahayag pero sana hindi makasagabal sa pangangasiwa ng APEC meeting. Ayon kay Amb. PAYNOR JR., huwag sanang ipahiya ng mga militante ang bansa sa harap ng mga bisita at huwag maging makasarili at maaari naman nilang gawin ang kilos protesta sa Quezon City Memorial Circle.

Sana maalala ‘yan ng mga militanteng grupo gaya ng Bayan na nag-oorganisa na ng protesta laban sa iba’t ibang APEC member states. Kontra ang Bayan sa pakikialam umano ng military ng US sa Asya. Hindi rin sila pabor sa China dahil walang legal o historical basis ang kanilang claim sa West Philippine Sea. Ganoon rin sa Canadian government sa basurang kanilang itinapon sa ating bansa.

Kung mayroon man silang ipinaglalaban ay huwag naman sa venue ng APEC summit dahil kung gagawin nila iyon ay hindi lamang si Pangulong (NOYNOY) AQUINO ang hihiyain nila kundi maging ang buong sambayanang Filipino dahil siya ang nagrerepresent ng ating bansa. Magkaroon naman sana sila ng kaunting delicadeza dahil kung sila man ay may bisita na darating ay kabastusan kung sasalubungin ang iyong bisita ng pang-iinsulto. – Janine M. Santos, Talavera, Nueva Ecija

* * *

Para sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo lang po sa aking cellphone number na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart.

About Tracy Cabrera

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *