Sunday , December 22 2024

$2-B ipauutang ng Japan sa PH (Para sa railway project)

1121 FRONTDALAWANG bilyong dolyar ang uutangin ng Filipinas sa Japan para tustusan ang North-South Commuter Railway project.

Ito ang nakasaad sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na bilateral talks sa Sofitel Hotel sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sakaling makompleto ang proyekto, mapapadali ang biyahe mula sa Tutuban,Tondo, Maynila hanggang Malolos, Bulacan.

Noong 2011, kinansela ng administrasyong Aquino ang railway project na ipinakontrata ng gobyernong Arroyo sa China National Machinery and Equipment Corporation (CNMEC) sa halagang $593 milyon dahil sa sinasabing korupsiyon.

Kahit naunsyami ang proyekto ay binabayaran pa rin ng gobyerno ang  $400-million loan mula sa Exim Bank ng China para pondohan ito.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *