Sunday , December 22 2024

APEC hottie Trudeau ng Canada dinumog sa Sofitel Hotel (Sa Bilateral talks kay PNoy)

MISTULANG hinampas ng hanging Habagat ang mga tao nang dumating si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Sofitel Hotel kamakalawa ng gabi para sa bilateral talks nila ni Pangulong Benigno Aquino III.

Natigalgal ang lahat, lalo ang kababaihan at nagkandarapa sa pagkuha ng larawan habang naglakad sa harap nila ang guwapo at matipunong si Trudeau na nakangiting binati ang lahat habang kumakaway.

Kinilig nang husto ang dalawang empleyado ng Palasyo nang ‘game na game’ na nakipag-selfie sa kanila si Trudeau bago pumasok sa silid para sa bilateral talks nila ng Pa-ngulo.

Isang lady reporter ang kanyang kinamayan bago ang photo opportunity nila ni Pangulong Aquino.

Sa kanilang bilateral meeting, pinasalamatan ni Pangulong Aquino si Trudeau dahil isinama ang Filipinas sa 25 bansa na makatatnggap ng 90% Official Development Assistance (ODA) ng Canada.

Tiniyak ni Trudeau ang buong suporta ng Canada sa paghahangad ng Filipinas na mapasama sa Trans-Pacific Partnership Program (TPP).

Si Trudeau, pati na si Mexican President Enrique Nieto, ang “pinakamabenta” sa mga Filipino sa 21 world leaders na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa.

Naging viral sa social media ang larawan nina Trudeau at Nieto na may hashtag na #APECHottie.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *