Friday , November 15 2024

US todo-suporta sa PH vs China

BUO ang suporta ng Amerika sa isinusulong na arbitration case ng Filipinas kontra China kaugnay sa isyu nang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

“We are not claimants ourselves, but we fully support a process in which through international law and international norms these issues are resolved. And we look forward to working with all parties to move disputes through these channels,” pahayag ni US President Barack Obama sa joint press conference nila ni Pangulong Benigno AQuino III kahapon sa Sofitel Hotel makaraan ang bilateral talks.

Kapwa naniniwala sina Obama at Aquino na dapat nang wakasan ng China ang reclamation activities sa WPS dahil banta ito sa katatagan ng rehiyon.

Pinasalamatan ni Pangulong AQuino si Obama sa pag-ayuda sa adbokasiya ng Filipinas na pairalin ang rule of law sa usapin ng WPS at sa pagkilala sa arbitral proceedings bilang isang   “open, friendly, durable and rules-based dispute settlement mechanism.”

Kompiyansa si Obama na makalulusot sa Korte Suprema ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) upang maipatupad ang pagtulong ng US sa pagpapalakas ng depensa ng Filipinas at mapaigting ang humanitarian work sa rehiyon.

“With respect to Enhanced Defense Cooperation Agreement, obviously, the Philippines has to go through its process in the Supreme Court review. But we are confident that it is going to get done and we are going to be able to implement effectively the provisions and the ideas that have come forward during the course of these discussions. The broader point is that, as a treaty ally, we have a rock solid commitment to the defense of the Philippines. And part of our goal is to continue to help our treaty partners build up capacity, to make sure that the architecture of both defense work, but also humanitarian work, and other important activities in the region are coordinated more effectively, and we think that the Enhanced Defense Cooperation Agreement is going to help us do that,” sabi pa ng US President.

Habang para kay Pangulong Aquino, ang pagpapahintulot sa tropang Amerikano na magamit ang mga base militar ng bansa , alinsunod sa EDCA, ay magbibigay ng tsansa sa US na iparamdam ang kapangyarihan sa rehiyon upang mabawasan ang tensiyon.

Si Obama, kasama ang 20 pang world leaders ay nasa bansa bilang mga delegado sa idinaraos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

PNoy nagpasalamat kay US Pres. Obama (Sa military financing aid)

NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay US President Barack Obama kaugnay sa foreign military financing assistance at suporta sa construction ng National Coast Watch Center.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang pagpapasalamat sa kanilang bilateral meeting ni Obama.

Kasabay nito, tinanggap din ni Pangulong Aquino ang panukalang Southeast Asia Maritime Security Initiative para mapalakas ang maritime security capabilities ng Filipinas.

Ipinahayag din ni Pangulong Aquino ang suporta sa pagsisikap ng US laban sa extremismo at pagsusulong ng cybersecurity cooperation.

APEC site deklaradong ‘No Drone Zone’

MULING nagpaalaala ang Task Group Air ng Philippine Air Force (PAF) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drones epektibo 1 p.m. kahapon dahil sakop ito sa ipatutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang ‘no fly zone.’

Ito’y kasunod sa napaulat na namataang drones sa bahagi ng Midas Hotel at Heritage Hotel kamakalawa gayong ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) site ay idineklarang ‘no drone zone.’

Ayon kay PAF spokesperson Col. Enrico Canaya, ang drones ay kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal sa ipatutupad na ‘no fly zone.’

Batay sa pahayag ng CAAP, walang general aviation operations unless ‘cleared’ sa APEC International Organizing Council.

Habang hinikayat ng PAF ang publiko na i-report ang ano mang nakikitang paglabag sa batas ng ilang mga indibidwal para sa kaligtasan at seguridad.

Maaaring tawagan ang itinalagang APEC Public Assistance hotline sa numerong 0949-7260082 at 0906-2163615.

US destroyer suporta sa seguridad ng APEC Summit

KAISA ang USS destroyer na Arliegh Burke-class USS Fitzgerald sa pagbibigay ng seguridad sa ginaganap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa bansa.

Malaking tulong sa APEC Security Task Force 2015 ang suporta sa seguridad ng US destroyer lalo na sa ipinatutupad na security measures.

Sa pahayag ng US Embassy, ang nasabing US destroyer ay nasa five-day support mission na nangangahulugang nakaalerto ang sailors ng USS Fitzgerald.

Nitong Lunes, Nobyembre 16, dumating sa bansa ang barko bilang advance security ni US President Barack Obama.

Katapusan ng civil war sa Syria magpapalakas sa kampanya vs ISIL (Paniwala ni Obama)

KOMPIYANSA si US President Barack Obama na makokombinsi ng Amerika ang Russia na ang pagwawakas ng civil war sa Syria ang magpapalakas ng kampanya ng mga bansa laban sa terorismo ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).

Sa ginanap na joint press conference nina Obama at Pangulong Benigno Aquino III kahapon sa Sofitel Hotel sa Pasay City, inihayag ni Obama na mas dapat tutukan ng military action ng Russia sa Syria ang ISIL kaysa moderate opposition na kumakalaban kay Syrian President Bashar Assad.

Ngunit mula nang pabagsakin ng ISIL ang isang Russian plane kamakailan na ikinakatay ng daan-daang pasahero ay nakiisa na si Russian President Vladimir Putin sa pagsugpo sa ISIL kaya’t umaasa si Obama na magpapatuloy na ito.

‘It may be that now, having seen ISIL take down one of their airliners, a horrific accident, that reorientation continues. And we’ll be in discussions with Moscow and Mr. Putin to see if that will continue,” aniya.

Kaugnay sa Syrian refugees na tinanggap ng US, tiwala si Obama na dumaan ang mga ito sa masinsing proseso bago tinanggap sa kanilang bansa kaya hindi banta sa seguridad.

Ginagamit lang aniya ng ilang US politicians ang usapin na dapat nang tanggihan ng Amerika ang Syrian refugees para magpasiklab at puwede pa itong magamit para palakasin ng ISIL ang propagandang mas binibigyan ng proteksiyon ang mga Kristiyano kaysa Muslim.

Isa aniya sa mabisang paraan sa paggapi sa ISIL ay ipakita na hindi natatakot sa kanila ang mga bansa at patuloy ang pagtulong sa kanilang mga biktima.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *