Kaya hindi kami magtataka kung muling makasungkit ng acting awards dito si Allen. Lalo’t this early, nakatakdang mag-compete ang Sekyu sa Kolkata International Film Festival sa India at sa Dhakka International Film Festival sa Bangladesh this November.
Base sa nakita namin sa FB page ng mana-ger ni Allen na si Dennis Evangelista, lahat ay pumupuri sa galing ni Allen sa pelikulang ito. Kabilang dito si Norman Llaguno ng Gawad Tanglaw Awards, pati na ang mga beterano at respetadong entertainment columnists na sina Kuya Mario Bautista at Ronald Constantino. Kasama rin sa bumilib sa galing ni Allen ang mga katotong sina Alwyn Ignacio, Rod Yabis, Archie Liao, Albert Bryan, ang kolumnistang ito, at marami pang iba.
Sa panayam namin kay Allen bago ang simula ng premiere night ng naturang pelikula, sinabi ni-yang mas kompiyansa siya ngayong makipagtrabaho kay Direk Joel. “Siguro, mas nadagdagan lang iyong self-confidence ko noong manalo ako ng awards. Iyong mas relaxed na ako pero hindi naman kampante sa aking craft.”
Idinagdag pa ng morenong actor na ginawa niya ang gustong atake ni Direk Joel para sa kanyang character dito.
“Gusto kasi ni Direk na subtle iyong acting ko rito. Tragic iyong pinagdaanan ng karakter, pero gusto naming ma-ging realistic na hindi ma-drama o acting na acting. Actually, iyong kuwento, hindi siya iyong tungkol sa mga social issues kundi naka-focused mismo doon sa life ng sekyu bilang isang simpleng tao at ukol sa kanyang pamilya.”
Ang Sekyu ay mula sa BG Productions International na prodyus nina Ms. Baby Go, Romeo Lindain, at Dennis Evangelista. Mula sa panulat ng award winning screenwriter na si Ricky Lee, ito ay tinatampukan din nina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, Jaime Pebanco, Rez Cortez, Raquel Villavicencio, at maraming iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio