Sunday , December 22 2024

Katutubong Bicolano kinalinga ng INC (Pabahay at kabuhayan ipinagkaloob)

1117 FRONTDAHIL sa kawalan ng sapat na pagkakakitaan at tirahan para sa mga pamilyang bahagi ng Kabihug indigenous community, inilunsad kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation ang isang housing project at proyektong pangkabuhayan para sa mga Kabihug na nakatira sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte.

Ang Kabihug ay katutubong grupo na kabilang sa hanay ng mga Negrito na makikita sa bulubunduking bahagi ng Bicol region. Dahil matagal na napagkakaitan dala ng pagiging mga katutubo, kadalasang nabibiktima sila ng panggigipit at diskriminasyon.

Ayon kay Ka Glicerio Santos, General Auditor ng INC, “Batid ng mga kapatid sa Iglesia ang pakiramdam ng biktima ng panggigipit kaya noong makarating kay Ka Eduardo V. Manalo (Punong Tagapangasiwa ng INC) ang diskriminasyong dinaranas ng mga Kabihug, mabilis niyang iniutos ang pagpapadala ng agarang tulong sa kanila.”

Ang bagong lunsad na proyektong pampamayanan ng INC ay itinayo sa 100 ektaryang lupain sa tuktok ng Paracale. Kinabibilangan ito ng 300 bahay upang magsilbing permanenteng tirahan ng mga pamilyang Kabihug, bukod pa sa mga pasilidad para sa kabuhayan gaya ng 20 ektaryang taniman ng kalamansi, isang eco-farm at isang plantang patuyuan ng daing na itinayo sa 300 metro kuwadrado. 

Nagtayo rin ang FYM Foundation ng isang garment factory at isang eskwelahan na sa simula ay magtuturo ng kindergarten at grade 1 sa elementarya para sa mga batang Kabihug.

Pinangunahan ni INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo ang pagpapasinaya, kasabay ng unang pagsamba ng INC sa Lokal ng Bakal at paghahandog ng samahan sa Diyos.

“Iba-ibang kabuhayan at pagkakakitaan ang ibinigay sa mga kapatid na Kabihug ng Punong Tagapangasiwa,” ayon kay Santos.

“Bukod doon, sinalubong din niya ang mga kapatid na Kabihug sa Iglesia at itinayo ang kanilang pamayanan bilang isang kongregasyong lokal at iniutos ang pagpapatayo ng isang kapilya para sa sama-samang pagsamba ng 370 mga kapatid.”

Sa kanyang pangangaral, binigyang-diin ni Ka Eduardo Manalo ang kahalagahan ng pagtugon sa kahirapan at iba pang usapin, pangunahin dito ang pangangalaga sa kanilang karapatang magsamba nang totohanan sa Diyos upang maging karapatdapat sa mga bigay na biyaya.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *