Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babala ng SEC vs Emgoldex or Global Intergold

00 pulis joeyMULING nagbabala ang Securities Exchange Commission (SEC) laban sa online scammer na Emgoldex or Global Intergold.

Ayon sa SEC ang naturang kompanya ay hindi rehistrado at ang scheme ng negosyo ay pyramiding. Napakarami na umanong reklamo silang natatanggap laban dito. Kaya kasalukuyang na itong iniimbestigahan ng National Bureau of Invetigation (NBI).

Inilagay narin sa lookout bulletin ng Department of Justice ang incorporators ng Emgoldex na ngayo’y Global Intergold (GIG) na sina Kevin Miranda, Ryan Manuit, Charles Juiz Padilla, Raahbel Ymas at Paul Alviar.

Ang mga suspek na ito kapag minalas ay malamang na magmulta ng P5 million at mabilanggo ng pito hanggang 21 years!

Ang Emgoldex o GIG ay gumagamit ng social media para manghikayat ng investors, nangangako ng malaking tubo ng pera.

Karamihan sa mga nabibiktima nito ay OFWs na ngayo’y nag-iiyakan dahil hindi na nila mabawi ang kanilang pera at hindi rin nila alam kung sino ang kanilang hahabulin dahil sa online lang sila nag-invest. Tsk tsk tsk…

Iwasan na po ang mag-invest sa mga “bogus” na kompanyang may malalaking patubo lalo sa online. Scam po yan!

Pag na-disqualify si Poe, si Roxas ang iboboto

– Sir Joey, kung si Grace Poe ay ma-disqualify sa presidential race dahil sa kanyang US citizenship, wala namang problema dahil my second choice pa naman ako na puweding iboto para sa pagka-pangulo. Yan ay si Mar Roxas. Naaawa na ako kay Roxas dahil lahat nalang ng sigalot na nangyayari sa ating bansa ay ibinobunton kay Mar tulad ng Yolanda. Bakit? Kasalanan ba ito ni Mar? Kung sa pagtulong andon si Mar. Bakit si Binay may naitulong ba? Nakakatakot at malalagay tiyak ang Pilipinas kapag ang manalong pangulo ay si VP Binay dahil lahat ng mga militante na umaanib kay Binay tulad kay Tatad na wala namang nagawa sa Bicol at si Teddy Casino na pangpagulo lang ang alam at walang paki o malasakit sa bayan kung humina man ang turismo ng ating bansa. – 09496984…

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …