Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy, ‘di maka-react kung si Maine na nga ba ang bagong Nora Aunor

111215 Nora Aunor maine yaya
UMIWAS si Nora Aunor na mag-react sa sinasabi nilang bagong Nora Aunor si Yaya Dub (Maine Mendoza). Ang tinatamong kasikatan ni Yaya Dub ay inihahalintulad sa tagumpay ng nag-iisang superstar.

Sey ni Ate Guy, ‘yung mga tao na lang daw ang tanungin dahil mahirap daw magsalita kung siya ang kukunan ng reaksiyon tungkol dito.

Pero gusto rin niya itong makilala. Hindi rin daw niya napanood ang panggagaya nina Maine at Alden Richards kina Guy & Pip noong Sabado sa Eat Bulaga.

Inamin din ni Ate Guy na minsan may mga impersonator na kinaiinisan niya. OA naman daw kasi kung gayahin siya. Minsan daw ay mayroon siyang napanood at hindi niya ikinatuwa dahil hindi maganda sa kagaya niyang ginagaya. Hindi raw kasi siya ganoon at nasobrahan siya. Hindi suwabe ang pag-i-impersonate sa kanya.

Samantala, tuwang-tuwa si Ate Guy sa success ng anak-anakan niyang si Alden. Nagkasama sila last year sa isang short film titled  Kinabukasan. Wish lang daw niya ay ‘wag magbago si Alden at ikalaki ng ulo ang tinatamasang popularity ngayon. Pero alam naman daw niya na mabait na tao si Alden at hindi mangyayari ‘yun.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …