Friday , November 15 2024

Estriktong manager tinodas ng jaguar

CAGAYAN DE ORO CITY – Ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya sa trabaho ang dahilan ng pagpatay ng isang security guard sa manager ng wood furniture shop sa Brgy. Kauswagan, Cagayan de Oro City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Luwalhati Yap, 45-anyos, single parent, tubong Cebu, naninirahan sa Lungsod ng Dumaguete.

Sa ulat ni PO3 Leonilo Laquio ng Carmen Police Station, sinita ng biktima ang security guard na si Grover Mark Gomez dahil laging natutulog kapag nasa duty.

Pagkaraan ay narinig ng suspek na siya ang pinag-uusapan ng biktima at immediate supervisor kaya humantong sa kanilang mainitang pagtatalo.

Base sa initial findings ni medico legal officer Dr. Christian Caballes ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hinampas nang matigas na bagay ang ulo ng biktima at may malubhang saksak sa likod na naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Si Yap ay halos isang taon na bilang manager ng Giardini Del Sole Furniture Shop habang ang suspek ay mag-iisang linggo pa lamang naka-duty, mula sa Cherubim Security Agency.

Patuloy ang pursuit operation ng pulisya upang maaresto ang tumakas na suspek na residente sa Brgy. Kauswagan ngunit nakalabas na ng bisinidad ng Cagayan de Oro City at nakarating na sa probinsya ng Misamis Occidental.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *