Friday , November 15 2024

Bukas kotse, laganap sa Maynila!

Bato BalaniSADYA nga bang ganito na kasama ang Maynila? Malayang-malaya at walang takot na nakagagawa ng karahasan sa kanilang kapwa ang masasamang loob at mapagsamantala? Wala nang pinipili ‘igan, lahat tinatalo ng mga dorobo! Mantakin n’yong maging si “Bato-Bato Balani” ay nabiktima ng “Bukas Kotse gang!” Sus grabe!

Noong Nobyembre 6, 2015,  Biyernes, mga alas 12:00 ng tanghali, ipinarada ni “Bato-Bato” ang kanyang sasakyan sa loob ng bakuran ng Department of Education (DepEd), Division of City Schools–Manila Mini Forest, sa A.J. Villegas St. Ermita, Maynila. Nilimas mga ‘igan ng mga tarantado’t ulupong sa lipunang  “Bukas Kotse gang” ang may halagang mga gamit sa loob ng kanyang sasakyan! Aba’y batikan na sa pagnanakaw ang mga damuho! In 15 minutes, dala lahat ang mga gadgets, pera, alahas… Sa simula ay galit, subalit kung ating iisipin, bakit nga ba may magnanakaw, may holdaper, may snatcher? Ganito na lang ba ang gagawin ng mga tarantadong ‘yan pag kumalam ang tiyan? Paging… MPD District Director Chief Supt. Rolando Nana… Sir, mukhang natutulog din sa pansitan ang mga tao mo! Aba’y kung kinakailangang hambalusin ay hambalusin ninyo! Nang masugpo ang mga salot sa  lipunan!

 

Barangay ni Meneses putol–tubig ngayon 

Ang Health and Environmental Awareness Program ng Manila Barangay Bureau (MBB) at ang Network Rehabilitation Project ng Maynilad ay nagsanib-puwersa upang mabigyan ng malinis at ligtas na tubig ang mga barangay sa maynila. Nandyan ang ginagawa nilang Total Replacement of All the Existing G.I. Pipes and Appurtenances Attached to it, which had already exceeded the life retention period. Correct ka d’yan ‘igan!

Dahil sa magandang layunin nito, nag–conduct ng mga road shows (meeting) sa bawat barangay upang mabigyang-kaalaman ang mga mamamayan sa kung anong mga benepisyo ang makukuha nila rito.  Isa na rito ang Brgy. 96 Zone 8 District I, sa Tondo na pinamumunuan ni P/B Nestor R. Meneses.

Matapos ang matagumpay na pakikipag-dialogue ng Maynilad sa nasabing Barangay, bukod tanging si P/B Meneses ang hindi sumangayon dito! Ha ha ha… umeksena… ano ba ‘yan chairman? Napakalaking sakripisyo n‘yan sa barangay mo! Pero, teka…bakit ayaw ni Chairman Meneses?

Ayon sa aking Pipit, mukhang may itinatago umano si Chairman! Hindi kaya may illegal connections ng tubig, kung kaya’t ayaw pabuksan at papalitan ang mga tubo nang bago?   Sus Chairman, ano ka ba naman? Itabi muna ang pansariling interest! Bagkus ang isipin ay kapakinabangan ng nakararami sa iyong barangay. Pakiusap…

Isa pa ang isyu sa basketball court, na ayon sa aking Pipit, pinaupahan umano ni P/B Meneses sa Maynilad nang humigit-kumulang sa P120,000 na siyang ikinagalit ng mga kabataang gumagamit para sa kanilang lugar-libangan partikular ang isports, upang makaiwas sa mga ipi-nagbabawal na gamot. Tanong pa ng aking “Pi-pit,” nasaan ang salapi? Hehehe… nasa bulsa kaya ni Judas?

Gusto nang tahakin ng barangay mo ang tuwid na landas! Ayaw na nila ang “illegal water connections.” Gusto na nilang magkaroon ng sariling kontador ng tubig at mabayaran nang unti-unti ang kanilang pagkakautang sa tubig. Very good ‘igan!

Hindi ka pumaris sa mga dekalidad at hina-hangaang barangay chairman ng Maynila. Nand’yan sina Brgy. 85 Zone 7 District I Chairman Angela L. Ching, Brgy. 220 Zone 20 District II Chairman Esmeralda D. Chua, Brgy. 346 Zone 35 District III Chairman Angelito Atutubo, sa District V, sina Brgy. 719 Zone 78 Chairman Jaime Adriano at Brgy. 679 Zone 74 Chairman Benigno M. Addun Jr., at sa District VI, Brgy. 893 Zone 99 Chairman Carlos Castañeda… aba’y luminya ka na rin dito Chairman Nestor Meneses nang dumaloy ang malinis na tubig, na mag-aahon sa Barangay mong lugmok sa katiwalian… aba’y kung may katotohanan lang naman ang lahat nang ito. Pero, kung mapatunayang totoo ang mga paratang, aba’y kaparusahan ang katapat mo, na dapat mong pagdusahan. ‘Ika nga… you always… Do the right things and do things right…

Okey po ba mga ‘igan?

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *