Thursday , June 4 2026

Tito Boboy Syjuco, kinikilig sa AlDub

110515 syjuco aldub

AMINADO ang Presidentiable na si Tito Boboy Syjuco na kinikilig din siya sa AlDub. Sey niya wala raw sa edad ‘pag kinilig. Hindi lang daw ang mga bagets ang puwedeng kiligin kina Alden Richards at Yaya Dub.

Anyway, bilib si Tito Boboy sa mga artistang tumatakbo sa politika at  gustong magsilbi sa bayan.

“Sige lang po. Ituloy ninyo ang inyong ginagawa. Lalo na’t galing ang serbisyo sa mga taong kasing-special ninyo,” deklara niya.

Hanga siya kay Manny Pacquiao na tatakbo sa Senado sa 2016 election.

Kung halimbawang matalo raw niya si Senator Grace Poe bilang Pangulo, bibigyan pa rin niya ito ng posisyon sa kanyang administrasyon.

Ibabalik daw niyang Chairman ng MTRCB si Senator Grace dahil nakita niya na maayos ang panunungkulan nito noong nasa MTRCB pa.

Inurirat din si Tito Boboy kung mayroong artista na na-link sa kanya noong araw.

“Ganito na lang po. Allow me this indulgence na gamitin ang madalas na ginagamit sa showbiz. Na ‘pag may tinanong na taga-showbiz na hindi alam ang dapat na sagot at ayaw magsinungaling, pero concern naman po as aspect ng privacy, ang kasagutan ng taga-showbiz ay, ‘No comment!’ Ha! Ha! Ha!” sambit niya.

Naniniwala rin si Tito Boboy na  hindi siya isang nuisance candidate. Siya ang pinaka-qualified na presidential candidate dahil sa kanyang edukasyon, kredibilidad, talino, at pagmamahal sa ating mga kababayan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …