“I’M seeing someone right now,” ito ang paglilinaw ni Sam Milby sa press conference ng kanyang concert, ang The Milby Way na magaganap sa November 28 sa The Kia Theater, Cubao, Quezon City.
Nilinaw din ni Sam na hindi siya ang ka-text ni Maja Salvador matapos na sabihin ng aktres na mayroon siyang secret textmate.
Ikinabit ang pangalan ni Sam sa secret textmate ni Maja dahil muntik na rin pala itong ligawan ng singer/actor.
“She was someone I tried to pursue before,” pag-amin ni Sam na nangyari raw ito noong hindi pa nagkakaroon ng relasyon sina Maja at Gerald Anderson.
“But we’re friends now,” dagdag pa ni Sam at sinabing mayroon silang parehong grupo ng kaibigan ni Maja.
“She’s a real person and I really admire her as a person. She is someone I wanted to go for before, hindi lang nangyari,” ani Sam.
Sinabi pa ni Sam na nagparamdam siya noon kay Maja subalit hindi na nga lang sila nagkatuluyan.
Samantala, makakasama sa The Milby Way concert ni Sam ang kanyang mga kaibigang sina Piolo Pascual, Yeng Constantino, Gerald Anderson, Enchong Dee, Rayver Cruz, Angeline Quinto, KZ, at John Prats.
Para sa tickets ng The Milby Way, log on to www.ticknet.com.ph.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
