Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMFF movie ni Vice, topgrosser pa rin!

070915 vice ganda
TINAWAG na idiot si Vice Ganda ng isa niyang detractor. At kahit ang  fans niya na umiidolo sa kanya ay tinawag rin nitong idiot.

Parang hindi alam ng detractor niya ang ibig sabihin ng salitang idiot para tawagin niyang ganoon ang mahusay na komedyante at TV host.

Ang ibig kasing sabihin ng idiot ay stupid person, fool, ganoon. Eh, hindi naman ganoon si Vice, noh!  May galit lang siguro sa kanya ito kaya tinawag niya ng ganoon si Vice.

Sa totoo lang, witty si Vice, huh! Ang bilis nga ng utak niyang sumagot sa mga tanong sa kanya sa bawat interviews niya at may katuturan ang mga sagot niya na may kasama pa ngang punchline. At kahit sino pang matatalinong tao ang nakakaharap niya ay nagagawa niyang makipag-usap sa mga ito na hindi siya nawawala sa conversation kahit anong topic pa ang i-discuss. Ganoon katalino si Vice, sa totoo lang naman.

Tungkol pa rin kay Vice, busy siya ngayon sa shooting ng pelikulang  Beauty and The Bestie na silang dalawa ni Coco Martin ang bida. Ang pelikula ay isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Film Festival. At kung mag-best friend sila ni Coco sa totoong buhay, sa pelikula ay best friends din ang role nila.

Kasama rin sa pelikula ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Si James ay gaganap bilang kapatid ni Coco at si Nadine naman ay pamangkin ni Vice.

Sigurado kami na ang Beauty and The Bestie ang magiging topgrosser sa filmfest this year. Lagi naman kasing nangunguna sa takilya ang movie ni Vice sa MMFF, ‘di ba? Tapos kasama pa niya si Coco at ang JaDine, kaya posible talagang sila ang maging topgrosser.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …